Sunday , September 27 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Pagiging kabit ng gay politician ni actor, tanggap ng asawang aktres
Pagiging kabit ng gay politician ni actor, tanggap ng asawang aktres

Pagiging kabit ng gay politician ni actor, tanggap ng asawang aktres

ALAM pala ng misis na aktres, ang ginagawang “sideline” ng kanyang asawang actor sa mga “kaibigan niyong gay politician.” Masama ang loob niya natural, pero wala siyang magagawa dahil pareho silang walang kayod, walang pelikula, walang TV show, at paano nila bubuhayin ang kanilang mga anak?

Basta tinatanong niya si mister, ang sinasabi raw ay nakuha siya sa isang out of town show, o kaya nag-model siya para sa isang photographer. Pero dahil marami na ang nakakakita kay mister na may kasamang isang gay politician, hindi na iyon maililihim kay misis, pero kailangan siyang manahimik.

Kawawa rin naman si misis, pero kasalanan niya eh. Hindi siya nakinig sa tatay niya. Inaayawan na ng tatay niya ang boyfriend niya noon, nagpabuntis pa siya. Kaya ngayon kailangan niyang tiisin kung malaman man niya na ang mister niya ay kabit din ng mga bakla.

 Eh saan pa ba naman tatakbo iyon? May talent ba?

 (Ed de Leon)

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top