Monday , September 21 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Luis Hontiveros, na-intimidate kay Katrina
Luis Hontiveros, na-intimidate kay Katrina

Luis Hontiveros, na-intimidate kay Katrina

SA Wish Ko Lang! unang mapapanood si Luis Hontiveros bilang isang Kapuso after niyang pumirma ng kontrata sa GMA Artist Center. Humbled si Luis na isang programang tulad ng Wish ang unang project niya.

 

Makakasama ni Luis sa fresh episode ng show ni Vicky Morales ang homegrown Kapuso actress na si Katrina Halili. Noong una’y akala  niya ay mai-intimidate siya kay Katrina.

 

“At first, I thought I would be intimidated pero na-realize ko after ko s’ya maka-eksena na napakagaan n’ya katrabaho at very professional.”

 

Ngayon ngang ganap na siyang Kapuso, looking forward si Luis na mas marami pa siyang magawang project sa GMA. “Ang wish ko ay mabigyan ako ng chance to be able to work with the other veteran actors, directors and to play more challenging roles,” say pa ni Luis.

 

Makakasama nina Katrina at Luis ngayong Sabado sa bagong Wish Ko Lang! episode sina Kim Rodriguez at Elijah Alejo.

 

RATED R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top