Thursday , September 24 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Jennylyn at Dennis, ipinagtanggol ng taga-Davao na naabutan ng tulong
Jennylyn at Dennis, ipinagtanggol ng taga-Davao na naabutan ng tulong

Jennylyn at Dennis, ipinagtanggol ng taga-Davao na naabutan ng tulong

DUMIPENSA kina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ang anak ng isang senior citizen na taga-Davao na na –stroke.

 

Ayon sa Facebook post ng anak na si Jean Pearl Tangaro, nagpadala ng tulong ang Kapuso couple sa kapatid niyang si Bernsky Bergante Tangaro.

 

Saad ni Jean, “Thank you, Ma’am Jennylyn Mercado and Sir Dennis Trillo for extending help through our Ate  Bernsky Bergante Tangaro. It’s such a big help, you’re an angel sent from above.

 

“Dahil sa inyo, nakabili po si Papang ng gamot, prutas at mga pagkain. Hindi po mapantayan ang aming ngiti na nasilayan namin sa kanyang mga labi.

 

“I know po na always kayong ibe-bless ni Lord dahil you’re such an amazing person, beautiful and handsome inside and out.

 

“Sana po marami pa kayong matulungan. Stay safe po kayo palagi. God bless and we love you both.”

 

Nagpaabot din ng pasasalamat ang ina ni Pearl kina Dens at Jen para mapagaling ang asawa.

 

May mga kumuwestiyon sa pakikisawsaw ni Jen sa kasalukuyang issues na pati pagtulong ngayong pandemya ay inuurirat dahil never nag-post sa social media ang Kapuso actress hindi tulad ng ibang artista.

Now, may patunay nang may tinulungan din sina Jen at Dennis kahit indibidwal lang ito at ‘di maramihan.

 

Cannot blame Jen at Dennis dahil may sari-sarili rin silang anak na binubuhay!

 

I-FLEX
ni Jun Nardo

About Jun Nardo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top