Wednesday , September 23 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Alden Richards, inuulan ng endorsements
Alden Richards, inuulan ng endorsements

Alden Richards, inuulan ng endorsements

MARAMI ang nakakapansin na dinudumog ng maraming endorsement si Alden Richards lately. Sa huling pagcha-chat namin sa Pambansang Bae ay nagpasalamat siya sa Panginoon sa tuloy-tuloy na biyaya na natatanggap niya. Sabi ko nga sa kanya ay mabait kasi siya at magpagkumbaba.

Sabi nga ni Alden sa chika niya kay Ricky Lo, pinipili niya ang mga endorsement na tinatanggap niya na sa tingin niya ay bagay sa kanya at gusto niya. Bukod diyan, nagbibigay din siya ng sariling output sa ikagaganda at pagiging epektibo ang produkto na kanyang ineendoso.

Sa ngayon ay abala siya sa Eat Bulaga at sa All Out Sunday na parehong live TV show ngayon. Dati-rati ay alaga ang mga host ng Bulaga sa pagkain na everyday ay nakalatag sa kanila, mala-buffet style. Pero dahil sa pandemic ay wala na ‘yun at kanya-kanya na silang dala ng pagkain.

Kaya madalas si Alden ang nagdadala ng pagkain. Ito lang ang puwede niyang maibigay sa mga kasamahan niya.

 

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

About Joe Barrameda

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top