Wednesday , September 23 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ros Film Production, may pa-surprise sa kanilang bagong project
Ros Film Production, may pa-surprise sa kanilang bagong project

Ros Film Production, may pa-surprise sa kanilang bagong project

Kani-kaniyang hulaan kung ano itong bagong project ng Ros Film Production ng filmmaker and producer na si Direk Reyno Oposa na patuloy sa pamamayagpag sa kanyang mga produced and idinirek na Music Videos na napapanood sa kanyang official channel sa Youtube na Reyno Oposa.

Yes paangat nang paangat ang views ng Inspirado ni Direk Reyno na halos nasa 300K views na, at pumapalo rin ang tatlo pa sa kanilang music videos ng Quarantimer, Hindi Na Kita Mahal, at ang Bakit Ba na si

Oposa mismo ang kumanta at nagdirek ng kanyang sariling music video.

Soon ay bubulaga naman ang bagong proyekto ng kaibigan naming director featuring Ibayo Rap Smith at Leng Altura at dalawa sa bagong talent artist ni Direk Reyno na sina Yhanzy at Jhack.

Isang film project raw ba ito o another song na gagawan ng music video. Well, kaabang-abang nga lalo’t maraming fans na itong sina Ibayo Rap Smith (Eli) at Leng Altura. Suportahan din si Direk Reyno sa kanyang thrice a week live streaming sa kanyang YouTube channel.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top