Categories: Showbiz

Netizens at advertisers, nasabik; Kapamilya Online Live ng ABS-CBN, sinuportahan

Share

LABIS ang pagkasabik ng netizens at advertisers sa paglulunsad ng ABS-CBN ng Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook matapos itong purihin bilang isang makabagong paraan ng paghahatid ng entertainment sa bansa.

Nagbigay ng mensahe ng pasasalamat ang ABS-CBN chief operating officer of broadcast na si Cory Vidanes at nangakong patuloy na maghahandog ang ABS-CBN ng world-class entertainment sa kabila ng mga pinagdaraanan ng network.

“Despite the heartbreak, we promise to continue delivering our content on other platforms and to as many people as possible. From broadcast to livestreaming, this is a new journey and a first for ABS-CBN to make a digital pivot with Kapamilya Online Live, the newest home of our well-loved Kapamilya shows that Filipinos miss. Our bond with our Kapamilya will never be broken,” sabi ni Vidanes.

Nagkaroon ang advertisers ng pagkakataong makausap ang iba’t ibang Kapamilya stars at makita nang live sa It’s Showtime sa virtual trade event ng Kapamilya Online Live.

Opisyal ding inanunsiyo ang mga palabas na mapapanood sa livestream araw-araw at ang mga bagong programang handog nito, gaya ng Ang Sa Iyo Ay Akin na pagbibidahan nina Jodi Sta. Maria, Sam Milby, Iza Calzado, at Maricel Soriano. Ito ang unang orihinal na digital show na ipalalabas nang buo sa Kapamilya Onlive Live simula Agosto 17.

Bukod sa bagong programa, mapapanood din ang FPJ’s Ang Probinsyano, A Soldier’s Heart, Love Thy Woman, Magandang Buhay, It’s Showtime, ASAP Natin ‘To, Iba ‘Yan kasama si Angel Locsin, at Paano Kita Mapasasalamatan kasama si Judy Ann Santos-Agoncillo.

Dumalo rin sa virtual trade event sina Judy Ann, Richard, Kim Chiu, Xian Lim, Yam Concepcion, Gerald Anderson, Carlo Aquino, Yassi Pressman, Paulo Avelino, Zanjoe Marudo, Arci Munoz, Ogie Alcasid, Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, at Vice Ganda. Naghandog din ng performances ang It’s Showtime hosts, pati na rin ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid.

Naging mainit naman ang pagtanggap sa official launch noong Agosto 1 sa social media, na marami ang pumuri sa hakbang ng ABS-CBN na i-livestream ang mga programa nito online para patuloy na makapaghatid ng saya, ginhawa, at inspirasyon sa mga Filipino.

Bukod sa bago at kasalukuyang umeereng palabas, ibinahagi rin na magbabalik sa Kapamilya Online Live ang mga minahal na serye gaya ng Forevermore, Halik, Magpahanggang Wakas, Pangako Sa’Yo, Be Careful With My Heart, The General’s Daughter, Los Bastardos, Precious Hearts Romances, 100 Days To Heaven, Los Bastardos, at game shows na Pilipinas, GKNB? At Celebrity Playtime.

Bukod sa libre at walang subscription fee na kailangang bayaran, mae-enjoy din ang panonood sa Kapamilya Online Live dahil maaaring balikan mga programang ipinalabas sa buong araw sa loob ng 24 oras matapos itong ipalabas nang live. Eksklusibo namang mapapanood ang parehong livestreaming ng Kapamilya Onlive Live sa Facebook at YouTube sa Pilipinas.

Sa YouTube, tuloy-tuloy ang panonood simula 7:40 a.m. hanggang 10:00 p.m… Sa Facebook, may regular na timeslot ang lahat ng programa at may break sa pagitan ng timeblocks.

Tumuloy na sa bagong tahanan ng ABS-CBN shows na Kapamilya Online Live at mag-subscribe na sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel (youtube.com/abscbnentertainment) at Facebook page (fb.com/ABSCBNnetwork). Para makakuha ng updates at makita ang schedule ng mga programa, pumunta lang sa kapamilyaonlinelive.com.

Hataw Showbiz

Published by
Hataw Showbiz

Recent Posts

Isyu ng pag-eespiya vs third telco uminit sa lawyers online forum

WALANG cybersecurity measure na 100 percent fool-proof, ayon sa lawyers’ advocacy group na Tagapagtanggol ng Watawat. Sa isang webinar na… Read More

9 hours ago

Gina Pareno, tinalo ang mga bagets sa pagti-Tiktok

KUNG ipinatitigil na ng Pangulo ng Amerika ang TikTok sa bansa nila, rito sa atin, patuloy sa pag-e-enjoy ang netizens sa walang… Read More

1 day ago

Mikee at Mikoy, sumabak sa patok challenge

ALIW na aliw ang netizens sa ginawang Totropahin o Jojowain video ng magkaibigang Mikee Quintos at Mikoy Morales.   Sumabak ang dalawa sa patok na… Read More

1 day ago

1,500 gadgets, ipamamahagi ni Sen. Bong

ANG saya ng tsikahan namin with Senator Bong Revilla kasama ang ilan sa kasamahan sa panulat after so long na inabot na… Read More

1 day ago

Unli Videoke, ihahatid nina Papa Ding at Janna Chu Chu

HATID ng number one FM Radio sa Mega Manila, Barangay LSFM 97.1, ang kauna-unahang Pa-Videoke on Radio via Unli Videoke Express na napakikinggan… Read More

1 day ago

Aiko, naka-Silver Play Button na sa YT

DAHIL may mahigit na 100,000 subscribers sa kanyang Youtube channel, matatanggap na ni Aiko Melendez ang kanyang YouTube Silver Play Button! May mahigit 100,000 subscribers… Read More

1 day ago