Categories: Showbiz

Elijah Alejo, na-excite sa muli nilang pagsasama ni Katrina Halili

Share

BAGONG episodes muli ang mapapanood sa Sabado sa Wish Ko Lang! at Imbestigador.

Bibida sa programa ni Vicky Morales na Wish Ko Lang! sina Katrina Halili, Luis Hontiveros, Kim Rodriguez, at Elijah Alejo. Gagampanan ni Katrina ang kuwento ng isang ina na gagawin ang lahat para sa kanyang mga anak. Reunion kung tutuusin ang Wish episode na ito para kina Katrina at Elijah na matagal na ring ‘di nakakapag-taping para sa kanilang afternoon drama na Prima Donnas.

Si Elijah, excited na muling makasama ang kanyang “Ate Katrina.” “Natuwa po kasi after ng ilang buwan, nagka-work po ulit kami ni Ate Kat and nanay ko po siya rito so hindi ko po siya tatarayan unlike po sa ‘Prima Donnas,’” sabi ng young Kapuso star.

Ang Wish Ko Lang! naman ang unang proyekto ni Luis as a Kapuso. Say ni Luis: “I am extremely humbled to be part of such a significant show and I am grateful that ‘Wish Ko Lang’ was the first show to allow me to showcase my craft.”

Samantala, tututukan naman ni Mike Enriquez ang mga krimeng naganap sa gitna ng pinatutupad na community quarantine sa Quarantine Crimes series ng Imbestigador. Ngayong Sabado (August 8), ang kaso ni Fabel Pineda ang tampok sa programa. Si Fabel ay isang 15 gulang na babaeng pinatay sa Cabugao, Ilocos Sur noong July 2.

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

Joe Barrameda

Published by
Joe Barrameda

Recent Posts

Isyu ng pag-eespiya vs third telco uminit sa lawyers online forum

WALANG cybersecurity measure na 100 percent fool-proof, ayon sa lawyers’ advocacy group na Tagapagtanggol ng Watawat. Sa isang webinar na… Read More

9 hours ago

Gina Pareno, tinalo ang mga bagets sa pagti-Tiktok

KUNG ipinatitigil na ng Pangulo ng Amerika ang TikTok sa bansa nila, rito sa atin, patuloy sa pag-e-enjoy ang netizens sa walang… Read More

1 day ago

Mikee at Mikoy, sumabak sa patok challenge

ALIW na aliw ang netizens sa ginawang Totropahin o Jojowain video ng magkaibigang Mikee Quintos at Mikoy Morales.   Sumabak ang dalawa sa patok na… Read More

1 day ago

1,500 gadgets, ipamamahagi ni Sen. Bong

ANG saya ng tsikahan namin with Senator Bong Revilla kasama ang ilan sa kasamahan sa panulat after so long na inabot na… Read More

1 day ago

Unli Videoke, ihahatid nina Papa Ding at Janna Chu Chu

HATID ng number one FM Radio sa Mega Manila, Barangay LSFM 97.1, ang kauna-unahang Pa-Videoke on Radio via Unli Videoke Express na napakikinggan… Read More

1 day ago

Aiko, naka-Silver Play Button na sa YT

DAHIL may mahigit na 100,000 subscribers sa kanyang Youtube channel, matatanggap na ni Aiko Melendez ang kanyang YouTube Silver Play Button! May mahigit 100,000 subscribers… Read More

1 day ago