Tuesday , September 22 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Aiko, naging ispirasyon ng mga gustong sumeksi
Aiko, naging ispirasyon ng mga gustong sumeksi

Aiko, naging ispirasyon ng mga gustong sumeksi

INSPIRASYON para sa nakararami si Prima Donnas star Aiko Melendez na kapansin-pansin ang kaseksihan kahit pa man nasa bahay lang ito dahil sa quarantine.

 

Sa edad 44, ginulat ng seasoned actress ang netizens sa kanyang slimmer figure nang mag-post ito sa kanyang Instagram na naka-bathing suit. Ibinahagi na noon ni Aiko na matinding disiplina sa pagkain ng tama ang naging susi sa matagumpay niyang weight loss journey.

 

“Gusto ko maging healthy ako at gusto ko pagbalik ko sa TV via ‘Prima Donnas,’ masa-shock ang tao sa akin dahil kalahating tao ang makikita nila kay Kendra,” dagdag pa ni Aiko.

 

Kasama sa mga napahanga sa kanyang post ang kanyang Prima Donnas co-stars na sina Jillian Ward, Althea Ablan, at Sofia Pablo. Maraming netizens din ang nagkomento na na-inspire silang mas maging healthy at fit ngayong quarantine dahil sa Kapuso actress.

 

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

About Joe Barrameda

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top