Friday , April 19 2024
IPINAKITA ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at Vice Mayor Honey Lacuna ang 34 MNLkonek na libreng wi-fi internet sa Gate 2 ng University of Santo Tomas (UST). Pinapayagan nito ang publiko na gumawa ng mga lokal na tawag sa telepono, mag-charge ng kanilang mga telepono, tumawag sa mga emergency hotline at mag-browse sa internet nang libre. (BONG SON)

Libreng internet sa U-belt pinasinayaan (Ika-13 Manila quarantine facility patapos na)

NAGSAGAWA ng inspeksiyon si Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan sa ginagawang ika-13 quarantine facility na itinatayo ng lokal na pamahalaang lungsod sa Quiapo, Maynila.

Ang naturang quarantine facility ay itinatayo sa loob ng Manuel L. Quezon University sa Hidalgo St., Quiapo, Maynila at matapos ang ilang araw ay maaari na itong magamit ng Manila Health Department (MHD).

Ang MLQU quarantine facility ay may 60-bed capacity at ilalaan sa mga residenteng nagpositibo sa COVID-19.Plano rin ng lokal na pamahalaang lungsod na magtayo ng ika-14 na quarantine facility sa mga susunod na araw.

Matatandaan na may naunang 12 quarantine facility ang lungsod ng Maynila na aabot sa kabuuang 545-bed capacity.

Samantala, matapos ang nasabing inspeksiyon nagtungo sa Gate 2 ng University of Santo Tomas sina Domagoso at Lacuna upang pangunahan ang pagpapasinaya sa 34-unit ng MNLkonek Digital Kiosks sa paligid ng itinuturing na University Belt.

Ang naturang digital kiosk, mayroong hanggang 200 mbps internet speed na kayang makakonekta ng 100 users nang sabay-sabay.

Naitayo ito nang walang gastos ang lokal na pamahalaan ng Maynila at magagamit ng publiko partikular ng mga estudyante. (VV)

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong

Sugat sa paa sanhi ng labis na init sa tricycle pinatuyong Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

SM scholar 1

Pursuing education despite the odds
These SM scholar alumi are now steps closer to their dreams

Queenie Alfonso (left) and Prince Mangahas (right) join the SM Scholars’ general assembly at SM …

Krystall Herbal Oil

Kusinero, tubig at krystall herbal oil panlaban sa heat stroke

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

SM Bulacan malls nagsagawa ng joint tactical inspection

SM Bulacan malls nagsagawa ng joint  tactical inspection

PATULOY na itinataguyod ng SM Malls sa mga bayan ng Baliwag, Marilao, at Pulilan sa …

Krystall herbal products

PT bilib sa panggagamot ng lolang hilot katuwang ang Krystall herbal products

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *