Tuesday , September 22 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Barbie Forteza, ipinasilip ang work from home setup
Barbie Forteza, ipinasilip ang work from home setup

Barbie Forteza, ipinasilip ang work from home setup

SA kanyang latest vlog, ipinasilip ni Barbie Forteza ang naging work from home setup niya nang maging guest anchor sa Chika Minute.

 

Tinulungan siya ng boyfriend na si Jak Roberto para i-setup ang box equipment na ipinadala ng 24 Oras. Si Jak ang nag-ayos ng settings ng camera at ng ilaw para kay Barbie.

 

Bago nagsimula ang newscast, nag-makeup muna si Barbie, “In fairness, ang bilis kong nakapag-makeup. Tama rin ‘yung diskarte ko na rito ko sa i-set-up ang pagme-makeup. Para nga naman tama ‘yung make-up ko kasi minsan iba ‘yung rehistro ng make-up sa camera ng phone, iba rito sa camera rito, iba sa make-up table ko sa taas. Mas okay na sigurado tayo.”

 

Samantala, habang hindi pa nagre-resume ang taping ng pinagbibidahang primetime series na Anak ni Waray vs Anak ni Biday, napapanood gabi-gabi sina Barbie at Jak sa rerun ng Meant To Be sa GMA Telebabad.

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top