Thursday , September 24 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sylvia, Pinakapasadong Aktres sa Teleserye sa 22nd Gawad Pasado Awards
Sylvia, Pinakapasadong Aktres sa Teleserye sa 22nd Gawad Pasado Awards

Sylvia, Pinakapasadong Aktres sa Teleserye sa 22nd Gawad Pasado Awards

NADAGDAGAN naman ang acting award ni  Sylvia Sanchez, ito ay mula sa 22nd Gawad Pasado Awards bilang Pinakapasadong Aktres sa Teleserye 2019 para sa kanyang teleseryeng, Pamilya Ko ng ABS-CBN.

Sa Facebook page ng aktres ay buong pusong pinasalamatan niya ang Gawad Pasado gayundin ang buong team ng Pamilya Ko.
“ Maraming, maraming salamat 22nd Gawad Pasado Awards
Congratulations #PamilyaKo
 #rgedramaunit #rsbscriptedformat #Abscbn  #blessed #thankuLord
Happy evening everyone

Bukod kay Sylvia wagi rin sa 22nd Pasado Awards ang kanyang co-actor sa Pamilya Ko na si JM De Guzman bilang Pinakapasadong Aktor sa Teleserye 2019, habang ang kanilang teleseryeng Pamilya Ko ang itinanghal na Pinakapasadong Teleserye sa taong 2019.

Ilan sa sa mga bumati sa pagwawagi ni Sylvia ay ang mga kaibigan sa loob at labas ng showbiz, tulad ng CEO/President ng Beautederm na si  Rei Anicoche Tan, ang kanyang very supportive Sylvianians, kasamahan sa Pamilya Ko, at mga mahal sa buhay.

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top