Sunday , September 27 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kapuso Mo, Jessica Soho, #1 TV show sa bansa
Kapuso Mo, Jessica Soho, #1 TV show sa bansa

Kapuso Mo, Jessica Soho, #1 TV show sa bansa

PATULOY na namamayagpag ang GMA Network hindi lang on-air kundi pati na rin online dahil kinilala bilang top online news outlets sa Pilipinas ang dalawang platforms nito — ang GMA News at GMA Public Affairs.

 

Ayon ito sa June 2020 leaderboard ng Tubular Labs, isang cross-platform digital video measurement provider na sumusukat ng total views ng iba’t ibang websites sa buong mundo.

 

Sa Philippines, number 1 sa ranking ng News and Politics category ng Tubular Labs ang GMA News na may 223.7 million views sa Facebook at 139.9 million views naman sa YouTube. GMA News lang din ang nag-iisang Filipino news outlet na nakapasok sa top 20 worldwide ranking para sa buwan ng Hunyo.

 

Second highest naman sa ‘Pinas ang GMA Public Affairs account na may 219 million views sa YouTube at 71.2 million sa Facebook. Kabilang din sa most viewed show sa account na ito ang #1 TV show sa bansa na Kapuso Mo, Jessica Soho. 

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

About Joe Barrameda

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top