Wednesday , September 23 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Dating bold star, isinusuka ng mga kapitbahay
Dating bold star, isinusuka ng mga kapitbahay

Dating bold star, isinusuka ng mga kapitbahay

MATAPANG pa ang dating bold star nang siya ay singilin ng pinagkakautangan. Minura pa raw ng bold star ang naniningil at pinagbantaan pang ipahuhuli dahil bawal daw ang maningil ng utang sa ngayon na may pandemic.

Ang sagot naman daw ng naniningil, “iyon namang inutang mo matagal na, wala pang Covid”. Lalo daw nagalit ang bold star.

Inirereklamo na rin ang bold star ng homeowners sa kanyang tinitirahang subdivision. Masyado raw kasing maraming eskandalong ginagawa ang boldstar. Maraming naniningil sa kanya na inaaway niyang lahat, at naiingayan na sa kanya ang kanyang mga kapitbahay. Kung sa bagay iyong mga anak nga niya hindi siya natagalan kaya nilayasan siya eh, iyong pang kapitbahay lang.

Iniisip na nga raw nila kung paano siyang mapapaalis sa kanilang lugar. (Ed de Leon)

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top