Tuesday , November 24 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Rocco Nacino, ipasisilip ang bahay sa Sarap, ‘Di Ba?
Rocco Nacino, ipasisilip ang bahay sa Sarap, ‘Di Ba?

Rocco Nacino, ipasisilip ang bahay sa Sarap, ‘Di Ba?

MAKAKASAMA ng Legaspi family ang Descendants of the Sun actor na si Rocco Nacino ngayong Sabado (August 1) sa Sarap, ‘Di Ba? Bahay Edition.

 

Samahan sina Carmina Villarroel, Zoren, Mavy, at Cassy Legaspi sa masayang laro na I Can Do It na may masayang bulgarang magaganap. May simple house project din sina Zoren at Mavy na pwedeng gawin para mas organized ang inyong garahe.

 

Hindi dapat palampasin ang kumustahan at chikahan nina Carmina at Cassy kasama si Rocco na ipasisilip ang bagong bahay at magpapamalas din ng galing sa pagkakarpintero.

 

May inihanda ring madali at masarap na recipe sina Carmina at Zoren na pwedeng sundan ng parents para sa kanilang family meal time with kids.

 

Tumutok sa nakaaaliw na bagong segments hatid ng Legaspi family sa loob mismo ng kanilang tahanan sa Sarap, ‘Di Ba? Bahay Edition tuwing Sabado, 10:45 a.m., sa GMA Network.

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top