Tuesday , November 24 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / May-ari ng RME Salon, umaangal na sa epekto ng Covid
May-ari ng RME Salon, umaangal na sa epekto ng Covid

May-ari ng RME Salon, umaangal na sa epekto ng Covid

AMINADO ang CEO-President ng RME Salon na si Ronel M. Egang na malaki ang naging epekto ng Covid-19 sa kanyang mga negosyong salon.

Ilang buwan ding nagsara ang kanyang mga salon nang mag-lockdown at sa muling pagbubukas ay madalang ang pagpunta ng mga tao kaya naman mahina ang kita.

Malaki ang pasasalamat nito sa kanyang mga ambassador na patuloy na nagpo-promote ng kanyang salon na sina Doc Manny Calayan, Loisa Andalio, Igiboy Flores, Mark Andaya, Kokoy De Santos, ShalalaFourth Solomon, Zel Gratela, DJ Janna Chu Chu, JB Paguio, Upgrade Hanz and Prince, Hashtag Kid Yambao , at Bidaman Yuki Sakamoto.

At kahit nga medyo humina ang kanyang mga salon, mayroon siyang mga bagong branch ng RME Salon sa Molino Town Center Mall 2nd/F, Molino- Paliparan Rd. Molino 4, at sa  307 Magdiwang Street, Noveleta, Cavite (alongside Primark Noveleta).

Patuloy din itong lumalaban sa gitna ng pandemiya hanggang sa kanyang makakaya at umaasang matatapos na ito.

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top