Wednesday , September 23 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kris, wish magka-talk show with Idol Raffy
Kris, wish magka-talk show with Idol Raffy

Kris, wish magka-talk show with Idol Raffy

FINALLY, may latest post na si Kris Aquino sa kanyang Instagram account tungkol sa pagkikita nila ng tinaguriang ‘hari’ ng TV5 na si Raffy Tulfo.

Dalawang araw ang pinalipas ni Kris bago niya ipinost ang kuhang video nila ni G. Raffy sa studio na roon siya nag promo-shoot para sa teaser ng Love Life with Kris na mapapanood na sa Agosto 15 (Sabado) 5:00 p.m. sa TV5.

Katwiran ng Queen of All Media, ayaw niya talagang i-post pero dahil naunang nag-post si Idol Raffy at ibinalita pa sa radio program niyang Wanted sa Radyo5 sa 92.3 News FM.

Ang caption ni Kris sa video, “The King of Public Service @raffytulfoinaction made me feel so welcome I’m very much aware kung sino lang po ako sa mundo ng TV5 (baguhan na maraming dapat patunayan) and that he is their reigning king (not to mention the fact that he is the King of YouTube).

But, Raffy & his kind staff lent me his dressing/conference room and told me to feel free to use it anytime I’m in the compound.

“They also lent his studio for my promo shoot. And he went out of his way to come down when he knew patapos na ko so that we could meet face to face kahit alam ko naman fina-flatter lang n’ya ko when he said ‘mas magandang-maganda ka sa person’ – hindi nya kinailangan to be nice to me that’s why it was all the more appreciated.

“P.S. I really wasn’t going to post our face to face meet up, but nakita ko that they had kaya I felt okay na to upload so that I could also tell all of you that if 1st impressions really matter sobrang mas napahanga ako sa pagka-gentleman & sa generosity ni Raffy Tulfo.”

Samantala, habang sinasalubong ni Kris si Raffy ay sinabi niyang, “Hello! I’m a fan. It’s a pleasure to meet the King of TV5. You’re on my wish list. Gusto ko magka-talk show with you. Sana mangyari. Sana in the future”

Dagdag pa, “I like the way you stand up for women. Kinakampihan mo ‘yung mga babae. Pinagsasabihan mo ‘yung mga lalaki.”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top