Wednesday , September 23 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kris Aquino’s Love Life weekend show mapapanood ngayong August 22 (Pasok na sa TV5)
Kris Aquino’s Love Life weekend show mapapanood ngayong August 22 (Pasok na sa TV5)

Kris Aquino’s Love Life weekend show mapapanood ngayong August 22 (Pasok na sa TV5)

SIGURO ay nakialam na ang kilalang owner ng TV5 na si Mr. Manny Pangilinan na matagal nang kaibigan ni Kris Aquino dahil tuloy na tuloy na raw ang weekend talk show ng Queen of All Media na “Love Life.”

Starting na ang airing ngayong August 22 at kompirmado ito dahil nakapag-taped na ng promo shoot si Kristeta para sa nabanggit na programa.

May mga producer sa show si Kris at blocktimer sila sa TV5 pero I’m sure sa rami ng fans ng controversial actress-TV host ay makababawi ang nag-invest sa kanya.

We heard, na dahil alaga ng Cornerstone ni Erickson Raymundo si Kris ay asahang majority ng magiging guest sa kanyang Love Life ay mga talent ni Erickson na in fairness ay mga sikat na singers.

Ang wish ng fans ni Kris at netizens na ina-idolize siya, sana ay tuloy-tuloy na raw ang TV career nito dahil ilang years rin siyang nabakante sa mainstream television.

Wala pa lang ibinigay na oras kung anong time every Saturday ang nasabing show ni Kris sa Singko, well, abangan n’yo na lang ang announcement sa kanyang social media accounts.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top