Wednesday , September 23 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Korina Sanchez, bagong endorser ng BeauteDerm  
Korina Sanchez, bagong endorser ng BeauteDerm   

Korina Sanchez, bagong endorser ng BeauteDerm  

MARAMI ang na-curious at nasabik sa patikim ng Beautederm CEO at President na si Ms. Rhea Anicoche Tan hinggil sa bagong endorser ng kanyang kompanya.

Last July 8 ay nag-post ang lady boss ng Beautederm sa kanyang Facebook account ng: “Wohoo dreams do come true!! Finally!!! Nakuha din kita! #MyDreamBeautédermEndorser.”

Last Wednesday ay ito naman ang post ni Ms. Rhea sa kanyang FB, “Ngiting may bagong endorser at bagong produkto. Bukas na! Abangan!”

Well, tapos na ang guessing game, dahil kahapon (July 30) ay ipinakilala na ang bagong kapamilya ng Beautederm. Ito’y ang kilalang broadcast journalist na si Ms. Korina Sanchez-Roxas at ang ini-endorse niya ay ang bagong produkto na Slender Sips K-llagen Collagen Drink.

Ayon kay Ms. Korina, ito ang sikreto ng kanyang pagiging mukhang bata.

“At long last, the long wait is finally over. After almost two years of research and actual testing on myself, I can now reveal and share one of my best kept secrets to what I think is the nearest thing to the Fountain of Youth: Beautederm Corporation’s awesome new product – K-llagen.

“People ask me how I look younger than my age. Well, K-llagen is a healthy collagen drink that I take everyday. Collagen is an essential supplement to keep our bodies internally and externally rejuvenated. Collagen preserves and promotes youth of our organs including skin and hair.

“K-llagen has other all-natural ingredients added to collagen, meticulously formulated to provide the body a daily boost of energy, vitality, and youth,” pahayag niya.

Sinabi rin ni Ms. Korina na proud siyang maging bahagi ng Beautederm family at binati rin niya si Ms. Rhea sa bago nitong produkto.

Aniya, “I am extremely proud to be part of this collaboration between Beautederm and myself. To the entire staff of Beauterderm, to all the amazing resellers and distributors, to our loyal users, and to my dear friend Rei Tan – congratulations! I am honored to be a part of the Beauterderm family.”

“Handa na ba kayong sumigla, bumata, at gumanda? K-llagen is here and it really, really works,” bulalas pa ni Ms. Korina.

Sa panig naman ni Ms. Rhea, very vocal siya sa pagsasabing idolo niya ang kilalang media practitioner at itinuturing niyang isa sa inspirasyon si Ms. Korina.

Last September, sa grand opening ng Beautederm Flagship Store sa Marquee Mall Angeles City, Pampanga ay naging special guest dito si Ms. Korina.

“Si Ms. Korina Sanchez, ang aking idolo. Ako po ay nag-Masscom dahil po sa kanya, hanggang ngayon sobrang idol ko siya,” pahayag ni Ms. Rhea.

Sa ngayon, ang celebrity endorsers/ambassadors ng Beautederm ay kinabibilangan nina Ms. Sylvia Sanchez, Marian Rivera, Lorna Tolentino, Gabby Concepcion, Christopher de Leon, Carlo Aquino, Arjo Atayde, Jestoni Alarcon, Glydel Mercado, at Tonton Gutierrez.

Kasali rin dito sina Darren Espanto, Ejay Falcon, Enchong Dee, Pauline Mendoza,  Ryle Santiago, Jane Oineza, Ria Atayde, Ken Chan, Rita Daniela, Sanya Lopez, Camille Prats, Sherilyn Reyes-Tan, Bulacan Board member Alex Castro, Maricel Morales, Rochelle Barrameda, Jimwell Stevens, Alma Concepcion, Dessa, Anne Feo, Kitkat, Alynna Velasquez, Matt Evans, Luke Mejares, Jessa Zaragoza, at iba pa.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top