Monday , August 10 2020
Breaking News
You are here: Home / News / 16-anyos timbog sa shabu (Nasita sa paglabag sa curfew)
16-anyos timbog sa shabu (Nasita sa paglabag sa curfew)

16-anyos timbog sa shabu (Nasita sa paglabag sa curfew)

ARESTADO ang isang 16-anyos binatilyo na sinabing sangkot sa ilegal na droga matapos makuhaan ng shabu nang sitahin dahil sa paglabag sa curfew hour sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

 

Ayon kay Caloocan police chief, Col. Dario Menor, dakong 3:40 am, nakatanggap ng tawag ang Caloocan Police Sub-Station 5 mula sa concerned citizen hinggil sa nagaganap na illegal drug trade sa Malasuerte St., Barangay 146, ng nasabing lungsod.

 

Nang respondehan ng mga pulis, naabutan nila ang dalawang indibidwal kaya’t kinompronta dahil lumabag sa curfew hours ngunit mabilis na nagpulasan ang dalawa.

 

Hinabol sila ng mga pulis hanggang makorner ang 16-anyos na binatilyo at nakompiska sa kanya ang tatlong plastic sachets na naglalaman ng 1.68 gramo ng hinihinalang shabu na nasa P11,424 ang halaga.

 

Patuloy ang isinasagawang follow-up operation upang madakip ang nasa likod ng binatilyo sa pagtutulak ng ilegal na droga. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top