Sunday , September 27 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Sekyu kalaboso sa panghahalay
Sekyu kalaboso sa panghahalay

Sekyu kalaboso sa panghahalay

KALABOSO ang isang guwardiya na inakusahang nanghalay sa kanyang 11-anyos stepdaughter sa Muntinlupa City kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Edwin Acorda, 36 anyos, ng New Tensuan Site, Barangay Poblacion.

Ang biktima ay itinago sa pangalang Abby, estudyante, ng nabanggit na lugar.

Noong 15 Hunyo, nagsampa ng reklamo ang biktima kasama ang kanyang pinsan laban sa suspek sa Muntinlupa City Police dahil sa umano’y ginawang panghahalay.

Nang maisampa ang kaso ay nagkaroon ng preliminary investigation sa piskalya pero hindi nakadalo ang suspek.

Nitong Martes, 28 Hulyo 2020, muling hinuli ng barangay ang suspek dahil muli nitong minolestiya ang nabanggit na dalagita.

Nalaman ng ina ng biktima kaya muling inireklamo sa pulisya ang suspek na hinuli ng mga barangay tanod.

(JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top