Wednesday , September 23 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ogie Diaz, may panawagan sa IBP: Kastiguhin n’yo si Topacio; Dionne Monsanto, may buwelta rin—Mangutya ka kung 6 footer at may 6 pack-abs ka
Ogie Diaz, may panawagan sa IBP: Kastiguhin n’yo si Topacio; Dionne Monsanto, may buwelta rin—Mangutya ka kung 6 footer at may 6 pack-abs ka

Ogie Diaz, may panawagan sa IBP: Kastiguhin n’yo si Topacio; Dionne Monsanto, may buwelta rin—Mangutya ka kung 6 footer at may 6 pack-abs ka

ANG abogadong si Ferdinand Topacio ang producer ng gagawin pa lang na pelikulang ang titulo ay Escape from Mamapasano na nagtatampok kina JC de Vera at Aljur Abrenica. Pero mas pinag-uusapan si Topacio ngayon bilang basher ni Angel Locsin. At pinuputakte rin ng panlalait si Topacio ngayon ng supporters ni Angel at ng mga nakasusulasok sa mga pahayag n’yang parang ‘di bagay sa isang abogado.

Heto ang nag-viral na post ni Topacio sa Twitter account n’yang @YesYesYo13 noong July 20: “Yung show ni Angel sa GMA7 ay pinamagatang LOBO, kaya LUMOBO siya!” 

Kabilang sa mga nag-react negatively ay kinorek ang maling detalye ng abogado.

Bulalas ni @RunRusselRun“Attorney, ABS po yang LOBO. Hanggang Majika at Darna sa GMA 7 po.” 

Parang natuwa pa si Topacio na may nagkorek sa kakulangan n’ya ng impormasyon. Sagot pa nito: “Hehe. Not a fan kasi. So sa ABS-CBN SIYA LUMOBO?”

Pero mayroong netizen na diretsong ininsulto si Topacio. Hataw ni @kikobarbital“Mali na nga yung sinasabi mo. Di ka pa marunong magsearch kung saan lumabas ang Lobo. Tsaka may slipped disc yan, tanga.”

Buwelta naman ng abogado: “May slipped disc daw, pero mataba pa rin!”

Isa pang buweltang insulto kay Topacio mula kay @markymarksworld“Yung gantong statement only stems from a person who has a lot of insecurities. Yung mga hinde naranasan na maging attractive and was bullied because of how he looks. [Having] said that, pangit ka and gasulito pa.”

‘Pag inilarawang “gasulito” ang isang tao, ibig sabihin ay “punggok”. Ang “gasulito” ay ‘yung maliit na tangke ng LPG na madaling bitbitin kahit saan.

Giit pa rin ng abogado: “No need to be insecure to see she’s fat!”

Isa sa mga nainis kay Topacio dahil sa pang-iinsulto nito kay Angel ay ang talent manager na si Ogie Diaz. Pagkatapos ng imaginative na paraan ng panlalait sa abogado, hiniling ng manager ni Liza Soberano na sana ay disiplinahin ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) para sa binansagan ni Ogie na “misconduct” ni Topacio. Ang IBP ay organisasyon ng mga abogado na ang isang layunin ay itaguyod ang ethical behavior ng mga manananggol sa batas.

“Okay lang kaya ang ganitong misconduct sa Integrated Bar of the Philippines?” pasubali ni Ogie na kilala rin bilang actor-comedian.

Pinaarya ni Ogie ang pagiging komedyante n’ya sa pagsasabing:

“IBP, pwede din po bang laitin ang ganitong miyembro n’yo? Kunwari, sabihin kong wag siyang magbu-blue dahil baka mapagkamalan siyang gasulito, okay lang po ba yon?”

Pero bawi kunwari ni Ogie: “Ay, wag na lang. Kastiguhin nyo na lang po ang bastos nyong miyembro. Otherwise, talaga lang tino-tolerate nyo ang ganitong uri ng abogado.”

Na-publish pati sa malalapad na d’yaryo (broadsheet) sa Ingles ang hiling ni Ogie sa IBP na disiplinahin si Topacio. ‘Di man lang binanggit ni Ogie na producer na si Topacio at dalawang Kapamilya actors ang mga bida sa pelikulang isinusyuting pa lang.

May isa pang showbiz personality na ang reaksiyon sa panlalait ni Topacio kay Angel ay na-publish sa Inquirer kamakailan. Ang showbiz personality na ‘yon ay ang aktres na si Dionne Monsanto na isa sa mga kapwa artista ni Angel sa Lobo noong 2008.

Sa Facebook ni Dionne, ini-repost n’ya ang tweet ni Topacio tungkol kay Angel at sinamahan n’ya ng litrato ng abogado.

Caption ni Dionne sa litrato: “Mura lang po salamin sa Shopee, at free delivery pa. Bili na rin po kayo ng leeg at bra.”

Dagdag na pahayag pa ng aktres: “Mamaya na po sana tayo mangutya ng ganyan kung 6 footer na tayo at may 6-pack abs. Mmmkay.

“Ang bait ni Angel. Sobra.  She doesn’t deserve to be spoken of the way this creature did. #ProtectAngelLocsin”

Pati naman ang aktor ni Topacio na si Aljur ay mas pinag-usapan dahil sa pahayag n’yang wala siyang pakialam sa laban ng ABS-CBN para maibalik ang prangkisa nito kaysa pelikula n’yang ipo-produce ng parang pa-kontrobersiyal na abogado.

Sa ngayon, ni hindi pa alam ng madla kung sino-sino ang iba pang kasali sa pelikula–dahil hindi naman ang pagpu-promote ng pelikula ang unang inaatupag ng producer.

Siguro naman ay hindi ang pag-iisip ng iba pang insulto kay Angel ang pinaglalaanan ni Topacio ng panahon. ‘Di naman siguro siya tutok na tutok ngayon sa social media at sa showbiz para makahanap ng bagong lalaitin.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top