Thursday , November 13 2025
ARESTADO sa mga operatiba ng Navotas Police - Station Drug Enforcement Unit (SDEU) team sa pangunguna ni P/Lt. Genere Sanchez ang sinabing tulak ng droga na kinilalang si Ronnie Altirado, 50 anyos, residente sa Grace Park, Barangay 120, Caloocan City, matapos makompiskahan ng 32 gramo ng hinihinalang shabu na nasa P217,600 ang halaga at P300 buy bust money sa isinagawang operasyon sa R-10, Barangay NBBN, Navotas city. (RIC ROLDAN)

2 tulak timbog sa P.3-M shabu

DALAWANG hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang arestado matapos makompiskahan ng mahigit sa P300,000 halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operations ng mga awtoridad sa mga lungsod ng Caloocan at Navotas.

 

Ayon kay Caloocan police chief, Col. Dario Menor,  dakong 12:50 am nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Deo Cabildo ang buy bust operation laban kay Jomel Pineda, alyas Kuya, 42 anyos, isang  tricycle driver sa kanyang bahay sa #419 Barrio Sta., Rita North, Barangay 188, Tala.

 

Kaagad sinunggaban ng mga operatiba si Pineda matapos bentahan ng isang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P500 ang isang pulis na poseur-buyer.

 

Nakuha sa suspek ang aabot sa 15 gramo ng hinihinalang shabu na nasa P102,000 ang halaga, digital weighing scale, at buy bust money.

 

Dakong  11:40 pm kamakalwa nang masakote din ng mga operatiba ng Navotas Police SDEU team sa pangunguna ni P/Lt. Genere Sanchez ang tulak ng droga na kinilalang  si Ronnie Altirado, 50 anyos, ng Grace Park, Barangay 120, Caloocan City sa buy bust operation sa Road 10 Barangay NBBN, Navotas City.

 

Ayon kay Col. Rolando Balasabas, nakompiska kay Altirado ang aabot 32 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P217,600 ang halaga at P300 buy bust money.

 

Kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drug Act of 2002 ang dalawang suspek na kilala bilang tulak sa nasabing mga lugar. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

PNP Nartatez

Nartatez tumutok sa mga operasyon paglipas ng bagyo

MABILIS na tinutukan ni Acting Chief PNP Lt. Gen. Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang …

SM Iloilo DTI Panubli-on 1

Local Ingenuity Shines at DTI’s Panubli-on Heritage Trade Fair in SM City Iloilo

DTI Region 6 officials together with SM Supermalls Iloilo Team open the Panubli-on Heritage Trade …

Reginald Philip Alto IPO Pascual Lab

IPO PH pinarangalan PascualLab at co-patentees para sa eksklusibong invention patents

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINARANGALAN noong Oct. 25 ng Intellectual Property Office (IPO) ang …

Kris Aquino Bea Alonzo Andrea Brillantes

Bea nasorpresa kay Kris, magnininang nga ba? 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KUNG marami ang nasorpresa sa pagbati ni Kris Aquino kay Bea Alonzo, ganoon din …

PNP handa Bagyo Uwan

PNP Chief Nartatez nanguna sa malawakang paghahanda laban sa super typhoon Uwan

SA PAGHAHANDA ng bansa sa pagtama ng super typhoon Uwan, puspusan ang ginawang paghahanda ng …