Friday , August 14 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Tiktok dance ni Sherilyn, patok sa netizens
Tiktok dance ni Sherilyn, patok sa netizens

Tiktok dance ni Sherilyn, patok sa netizens

PATOK na patok sa netizens ang mga videos na ini-upload sa Tiktok ng aktres at Beautederm ambassador, Sherilyn Reyes-Tan na tinaguriang  Tiktok Mom.

Ito ang isa sa naging libangan ni Sherilyn nang mag-lockdown dahil sa Covid-19 at habang wala pang taping at nasa bahay lang siya kasama ang kanyang buong pamilya.

Kitang-kita rito ang husay sa pagsayaw ni Sherilyn bukod sa mahusay itong aktres na minana ng kanyang anak na si Hashtag Ryle Santiago na magaling ding sumayaw at umarte.

Pumalo na nga sa 115.2k ang followers sa Tiktok account (@sherilynTan) ni Sherilyn at may 653.2k na likes. Marami rin ang nag-eenjoy sa kanyang mga throwback dance from 90’s na minsan ay kasama niya ang anak na si Hashtag Ryle.

Kinagiliwan din ng mga netizen ang mga video nito sa Tiktok na kasama  ang buong pamilya na game na game na nakikipaghatawan sa sayawan.

 

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top