Monday , August 10 2020
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Mobile Serology Testing laban sa COVID-19, inilunsad sa Maynila
Mobile Serology Testing laban sa COVID-19, inilunsad sa Maynila

Mobile Serology Testing laban sa COVID-19, inilunsad sa Maynila

INILUNSAD na rin sa lungsod ng Maynila ang kauna-unahang Mobile Serology Testing na magagamit sa tulot-tuloy na mass testing program ng pamahalaan laban sa COVID-19.

Pinangunahan ito ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan sa Barangay 836, Zone 91 sa Pandacan at sa Barangay 97, Zone 8 sa Tondo, Maynila.

Ang nasabing Mobile Serology Testing ay mag-iikot sa buong Maynila upang hanapin ang mga COVID patient o carrier.

Sinabi ng alkalde na balewala ang dami ng bed capacity at mga quarantine facility na itinayo ng pamahalaang lungsod kung hindi naman makikiisa ang mga Manilenyo.

Pinasalamatan ni Mayor Isko si Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) Dir.

Arnel Angeles dahil sa kaniyang pagsisikap sa pagtatayo ng mga drive-thru at  walk-in  testing centers gayundin sa pagsasaayos ng Mobile Serology Testing Clinic. (VV)

 

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top