Friday , August 14 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Mga tumutuligsa kay Angel, ‘di na dapat pansinin
Mga tumutuligsa kay Angel, ‘di na dapat pansinin

Mga tumutuligsa kay Angel, ‘di na dapat pansinin

MARAMING tumutuligsa kay Angel Locsin sa mala-Darna niyang pagtatanggol sa mahigit 11,000 empleado ng ABS-CBN mula sa 70 mambabatas na ‘pumatay’ sa kabuhayan ng mga ito.

 

Napagkakamalang over acting ang ginagawang pagtulong ni Angel na hindi na dapat tarayan ang ibang mga artistang hindi tulad niyang vocal sa pagpapahayag ng suporta.

 

May mga nasaktan sa parinig ni Angel na hindi sila dumadamay.  Pero hindi na ito dapat bigyan pansin ni Angel.  Dapat niyang isipin na ang ibang artista ay hindi niya kasing tapang sa pagtatanggol.

 

Ang iba kasi’y nag-aalala na pader ang kalaban nila at wala na nga naman silang career eh magpapatutsada pa sila.

 

Let’s wait na lang sa final decision ni Lord dahil higit Siyang nakakaalam kung tama ba ang hatol ng 70 kongresista.

 

Abangan din natin sa coming election sa 2022 kung flying color pa rin ang magiging boto sa 70 mambabatas mula sa sinaktang publiko.

SHOWBIG
ni Vir Gonzales

About Vir Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top