Wednesday , September 23 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / KC, nakabibilib ang pagiging makata
KC, nakabibilib ang pagiging makata

KC, nakabibilib ang pagiging makata

SA dating ng panganay ni Sharon Cuneta na si KC Concepcion, hindi mo iisipin na ito ay bihasa sa pananagalog.

 

At isang makatang maituturing.

 

Natulikap namin ang bago niyang entry sa kanyang #KCDiaries na tula na iniisip din niyang malapatan ng tunog para gawing kanta.

 

“ISIP, napapagod kakaisip

Sa halip na mukhang walang ganap

Meron pa ring hinahanap-hanap

Umiikot, mundo’y paikot ng paikot

Sa dami ng napuntahan

Bakit sa yo pa rin ang hantungan

Damdamin

Damdamin lang ang  naiintindihan

Sa gitna ng mga pasikot-sikot

Maghiwalay man o muling magkabalikan.

 

“Titigil

Tumitigil minsan ang utak pag napigil

Kahit pansamantala lang

Kahit makatulog ng panandalian

Hala tumibok

Bigla siyang titibok

Di maiwasang bumangon

Panaginip

Nananaginip pa rin kahit gising

Tila may nagpapaalala

Ng…oo, lahat ng ala-ala

Paano

Paano ‘tong nararamdaman

Di mapakali

Walang mapaglagyan

Eto ang isang ngiti…

Ngingiti na lang”

 

At ang emojis sa simula at dulo ng tula ay ulap.

 

May mga nagtatanong pa rin kung may napipinto bang pagbabalikan sa kanila ni Piolo Pascual? Pero lahat ay pawang hula at haka-haka at pagbabakasakali.

 

Pero kapag hinimay ng isang manunula ang tinutudla ng laman ng isip at puso ngayon ni KC, maaaring may ulap nga na nagpapalambong sa naguguluhan pa niyang isipan.

 

Kathang isip man o tunay na dinarama ng puso na hindi mailabas-labas ang bugso, pasasaan ba at lalabas din ang itinutumbok ng ginagawang mailap na mga pananalita.

 

Kung magkabalikan ba sila, ayaw niyo?

 

Basta ang tinutumbok ng isip niya, isang ngiti ang ibinabadya.

 

Malay ba natin kung ano ang nasa likod pa ng ngiting ‘yun!

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

About Pilar Mateo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top