Monday , September 21 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sino kaya sa 5 direktor — Cathy, Irene, Antoinette, Sigrid, at Mae—ang nangarap maging katulong?
Sino kaya sa 5 direktor — Cathy, Irene, Antoinette, Sigrid, at Mae—ang nangarap maging katulong?

Sino kaya sa 5 direktor — Cathy, Irene, Antoinette, Sigrid, at Mae—ang nangarap maging katulong?

PINASOK na ni Direk Cathy Garcia Molina ang pagyu-YouTube dahil mayroon na siyang Nickl Entertainment na ilang linggo palang niyang sinimulan.
Noong nakaraang araw ay guests ni direk Cathy ang kapwa niya box office hits director na sina Irene Villamor, Antoinette Jadaone, Sigrid Bernardo, at Mae Cruz-Alviar para sa Q & A live nila na maraming revelations tungkol sa kanilang personal na buhay.
Hindi na namin isusulat lahat dahil baka pati news pages ng Hataw ay makuha namin ang espasyo, joke.
Sa nasabing tsikahan ng mga direktora ay nalaman na namumukod tangng si direk Mae lang pala ang may pangarap na maging direktor.
 “Bata palang po talaga pangarap ko ng maging direktor kasi Barbie dolls palang nagdi-direk-direk na ako, eh.  Pinangarap ko ring mag-artista, charot! Kaso backstage na lang ako. Director talaga, that’s what I really wanted to,” saad ni direk Mae.
Ang maging katulong naman ang gusto ni direk Irene, “sobrang bata ko pa at saka sobrang tamad ako, so sabi ko, ‘what if maging katulong ako?’Tapos na-imagine ko may uniform ako, naglilinis ako. Kaya ko siya pangarap kasi lagi akong napapagalitan kasi hindi ako marunong maglinis. Tapos high school naiba na, tapos college roon ko na gustong mag-film.”
Sportscaster naman ang ambisyon ni direk Tonette, “Ako po naalala ko, gusto kong maging sportscaster kasi mahilig akong manood ng PBA kasi fan ako ng Ginebra. Kaya ang kinuha ko noon sa UPCAT, broadcast communication tapos nag-shift na lang ako ng film. Gustong-gusto ko noon na mag-interview ng players kahit 4’11 lang ako, ha, ha, ha.  Pero later on naisip ko na ring mag-film.
 
 “Ako madre kasi noong bata ako iniiwanan ako ng nanay ko sa kumbento kasi wala kaming katulong kaya lagi ako roo . Tapos akala ko magma-madre na talaga ako, eh nagkaroon ako ng crush, ‘pag madre hindi pala puwedeng may boyfriend ‘yung madre so, ano kaya ang puwede, lawyer o psychologist kasi nanay at tatay ko,” saad naman ni direk Sigrid. “Pero pagdating ng high school doon ako nag-theater tapos gusto kong mag-artista sa theater, hindi sa pelikula hanggang college gusto ko pa rin artista but I took up directing and then eventually gusto kong magdirehe sa theater.  Eh, hindi ako sumikat-sikat kaya sabi ko, pwes pupunta ako sa pelikula, papasikatin ko sarili ko, eh, hindi pa rin, kaya nagdirehe na lang ako.”
Asawa at magpalaki ng mga anak ang ambisyon ni direk Cathy “Gusto ko lang talagang maging housewife and mother to my kids, pero on the side gusto kong maging ballerina ha ha, hindi ako pinayagan ng nanay ko.  Kaya ending sa pelikula na.”
Aliw ang tsikaha ng mga direktora sana may part 2, direk Cathy.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top