Wednesday , September 23 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Aktor, inisplitan si aktres dahil kay sexy male star model
Aktor, inisplitan si aktres dahil kay sexy male star model

Aktor, inisplitan si aktres dahil kay sexy male star model

TOTOO bang isang sexy male star-model ang tunay na dahilan kung bakit inisplitan ng isang poging male star ang kanyang girlfriend? Natakot daw kasi ang young male star, dahil nang kumalat ang balita na nagsasabing seryoso na siyang talaga sa kanyang girlfriend, iyong “totoo niyang love” ang sexy male star model ay “naghanap na rin ng iba.”

Para masigurong ang kanyang “true love” ay mananatili pa rin sa kanya, inisplitang bigla ng poging male star ang kanyang girlfriend na “nagtataka hanggang ngayon kung ano talaga ang nangyari.”

Iyan na nga ba ang sinasabi namin eh, at diyan daw nauubos ang pera ng young male star.

 (Ed de Leon)

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top