Monday , August 10 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Kapsulang traditional Chinese medicine aprobado vs Covid-19
Kapsulang traditional Chinese medicine aprobado vs Covid-19

Kapsulang traditional Chinese medicine aprobado vs Covid-19

ISA siguro ito sa magandang balita ngayong panahon ng pandemyang COVID-19.

Isang kapsula na kabilang sa traditional Chinese medicine na ginagamit sa trangkaso (influenza) ang inaprobahan kamakailan bilang medicine, food supplement  o natural health product sa 12 bansa at rehiyon kabilang ang Brazil, Romania, Thailand at Ecuador.

Ipinagbibili rin umano ito sa Hong Kong and Macao special administrative regions.

Ang pangalan nito ay Lianhua Qingwen, na inirerekomendang gamitin sa mga pasyenteng may mild COVID-19 symptoms.

Aprobado ito bilang Chinese proprietary medicine ng Health Sciences Authority sa Singapore.

Gawa raw ito ng Shijiazhuang Yiling Pharmaceutical Co., sa Shijiazhuang, Hebei province.

Nagrerehistro na rin ito ng kanilang aplikasyon sa iba pag bansa kabilang ang Middle East, Africa, at Latin America.

Ang Lianhua Qingwen umano ay rekomendado sa apat na version para sa treatment plan mula sa National Health Commission para sa paggagamot ng COVID-19, o pneumonia na mayroong novel coronavirus.

Kung hindi tayo nagkakamali, ito ‘yung mga gamot na ni-raid sa mga ilegal na Chinese hospital dito sa bansa at kinompiska ng PDEA.

Nasaan na kaya ang nasabing mga gamot?!

Ang balita natin ay napakamura nito ngayon dahil bumagsak nga ang presyo nang sunod-sunod na nasalakay ang kanilang mga ilegal na ospital.

Sa rami ng mga pasyente ngayon ng COVID-19, hindi kaya dapat gamitin ito ng pamahalaan at subukin sa mga kababayan nating may sakit?

Ano sa palagay ninyo IATF-MEID?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top