Monday , November 17 2025
PANGIL ni Tracy Cabrera

Mga animal kayo!

It is the common people’s duty to police the police.

Human Health expert Steven Magee

 

NITONG nakaraang 6 Hulyo, dalawang pulis ang inaresto ng Philippine National Police-Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) dahil sa pangingikil sa mga tricycle driver sa Bulacan.

 

Bago ito, dalawang pulis din ang itinuro ng mga suspek sa pagpatay sa isang 15-anyos dalagita, na bago mapatay ay naghain ng reklamo laban sa isa sa dalawa dahil sa sinasabing acts of lasciviousness. Nakatalaga ang dalawang pulis na sina Randy Ramos at Marawi Torda sa San Juan Municipal Police Station sa Ilocos Sur at batay sa insiyal na imbestigasyon, inabuso ng mga suspek ang dalawang dalagita habang lasing matapos arestohin sa paglabag ng curfew.

 

Kalaunan, ang 15-anyos na bikima ay napatay matapos pagbabarilin ng mga suspek na nakasakay sa isang motorsiklo habang pauwi mula sa estasyon ng pulisya makaraang maghain ng kanilang reklamo laban kina Ramos at Torda.

 

Sa isa pang insidente, isa pang opisyal ng pulis sa Maynila ang kinasuhan dahil sa panggagahasa ng isang criminology student trainee. Pinilit umano ng suspek na si Barbosa police community precinct commander Captain Heherson Zambale ang estudyante na ipalaglag ang kanyang ipinagbubuntis katulong ang kanyang may bahay at dalawa pang babae na pinaniniwalaang mga aborsyonista.

 

Dahil sa bigat ng mga pagkakasala ng nasabing mga pulis, nais ni PNP chief Director General Archie Gamboa na patawan ng pinakamatinding parusa ang dalawa kapag napatunayan ng korte na nagkasala sa mga isinampang kaso laban sa kanila.

 

Ani Gamboa: “They are not men in uniform but animals who deserve to be jailed for life. Walang awa, walang puso, walang kuwentang pulis.”

 

Nagunita tuloy natin, ano nga ba ang nangyari sa Internal Cleansing program na sinimulan ni dating PNP chief at ngayo’y senador retired Gen. Ronald ‘Bato’ Dela Rosa?

 

* * *

PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala ng mensahe o impormasyon sa email filespolice@yahoo.com.ph o kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!

PANGIL

ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Ex-Cong. Co, paano makauuwi kung may banta sa buhay?

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA ISYU ng kontrobersiyal na flood control ghost projects ng Department …

Sipat Mat Vicencio

Sen. Bong Go lang ang tinukoy sa ‘insertion’

SIPATni Mat Vicencio BAKIT sa tatlong DDS na senador, tanging si Sen. Bong Go lang …

Firing Line Robert Roque

Malabong policy ng MPD vs smokers

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. GETS ko naman — bawal manigarilyo o mag-vape sa …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Hall of Fame award, muling nasungkit ng QC LGU

AKSYON AGADni Almar Danguilan UNANG pinarangalan bilang Hall of Fame sa larangan ng pakikipagnegosyo ang …