Thursday , April 25 2024

Ynez Veneracion thankful sa BeauteDerm, saludo sa kabaitan ni Ms. Rhea Tan

UMAAPAW ang kaligayahan ni Ynez Veneracion nang malamang bahagi na siya ng star-studded roster ng Beautederm endorsers.

 

Aminado ang aktres na matagal na niyang pangarap ito, kaya sobrang thankful niya nang ibalita sa kanya ng President at CEO ng BeauteDerm na si Ms. Rhea Anicoche-Tan ang good news.

 

Pahayag ni Ynez, “Super-excited at super-blessed talaga ako, pinangarap ko kasi talagang maging endorser ng Beautederm. Dati gumagamit lang ako, tapos noong nakita ko na ‘yung result ay naging fan na ako ng Beautederm at winish ko na sana maging endorser din ako balang araw.”

 

Pagpapatuloy pa ang aktres, “Ang bait ni Lord dahil tinupad Niya ‘yung wish ko. Pero honestly, sabi ko noon parang imposible, kaya noong nakita ko ang message ni Ms. Rei (nickname ni Ms. Rhea) na tutulungan daw niya ako, napa-tumbling ako talaga at napatalon sa saya, hahaha!

 

“Sobrang thankful talaga ako, kasi gusto ko rin i-share sa mga kababaihan lalo na sa mga nanay na napapabayaan na nila ang skin nila, kung paano mababago ng Beautederm ang aura nila.”

 

Nabanggit din ni Ynez kung gaano siya kabilib sa galing ng Beautederm.

 

Wika niya, “Two years na akong gumagamit ng Beautederm. Everytime na mauubos na siya, nag-o-order ako agad. Kasi feeling ko, ‘pag ‘di ako nakagamit ng one or two days, may kulang na sa face ko, hahaha! Sobrang ganda kasi talaga ng Beautederm sa face. ‘Yung tipong paggising mo, haharap ka na lang sa salamin at makikita mo ang kinis at ang pula na niya, wala kang pores na makikita.

 

“Well siyempre sa umpisa, hindi mo muna makikita ‘yun. Magbabalat muna ‘yung skin mo, pero maliliit ang pagbabalat niya. Micro-peeling ang tawag doon. So, hindi siya masyadong halata. Kasi ‘yung iba ‘di ba, ang lalaki ng pagbabalat? Halatang-halata, mukha tuloy silang isda, hahaha!

 

“So mga after one month talaga, makikita mo na ‘yung result niya. Actually five days pa nga lang ng paggamit sa Beautederm, makikita mo na magpi-peel na siya,” mahabang esplika pa ni Ynez.

 

Ano ang favorite niyang BeauteDerm products at madalas gamitin?

 

“Yung face cream set nila ang pinaka-favorite ko. Maganda rin ‘yung serum nila at face wash. Sobrang effective talaga… Mayroon din silang air & fabric perfume which is ang bango-bango. Kapag ginamit mo ‘yun sa mga unan at blanket mo, sobrang bango. Ini-spray ko rin ‘yun sa aircon sa kuwarto,” aniya pa,

 

Paano sila nagkakilala ni Ms. Rhea? Kuwento ni Ynez, “Nagkakilala kami thru ate Sylvia (Sanchez), sa rest house ni ate Sylvia sa Punta Fuego. Binisita niya noon si ate.

 

“Nagulat ako na siya pala ang CEO ng Beautederm, e kasi napakasimple at ang ganda niya, napakabait pa. Karamihan kasi sa mga CEO na nami-meet ko, may mga yabang sa katawan. Siya, grabe! Napaka-approachable na tao. Akala mo nga close na kayo agad, hahaha!

 

“Napaka-generous pa. Bukod sa monthly na ipinapadala niya sa akin na skin care, binigyan pa niya ako noon ng dalawang Prada na damit noong minsang dumalaw kami sa bahay niya. Basta, lahat binibigyan niya. Grabe siya kung mag-share rin ng blessings. Kaya rin siguro napaka-blessed ni Ms. Rei, kasi hindi siya maramot na tao.”

 

Pahabol pa ni Ynez, “Bilang CEO, isa siyang masipag, matalino, at higit sa lahat mabuting tao na dapat tularan ng mga ibang nagsisimula pa lang sa kanilang negosyo.

 

“Si Ms. Rei, down to earth siya at walang ka ere-ere sa katawan. Madali siyang kausap at higit sa lahat, mapagmahal at matulungin sa kapwa,” masayang sambit pa niya ukol sa lady boss ng BeauteDerm.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

About Nonie Nicasio

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *