Monday , November 17 2025

Howard binalaan sa inisnab na face mask

MANDATORY ang pag­susuot ng face mask sa panahon ng pandemyang COVID-19 dahil malaki ang naitutulong nito para mapa­bagal ang pagkalat ng  coronavirus.

Iyon ang dahilan kung bakit mahigpit na ipinatutupad ang pagsusuot nito sa loob ng Disney Campus kung saan nanahan ang players ng 22 teams na hahataw sa restart ng NBA season.

Ang lahat ng players na nasa NBA campus ay kailangang nakasuot ng mask kapag lumabas ng kanilang silid o sa labas ng basketball court.

Ang ‘goal’ ng NBA’s “bubble” ay para mapanatili ang virus sa labas — para maihiwalay ang Florida  sa campus na pagdarausan ng restart ng games.

May protocols ang liga na itinakda para malimitahan ang pagkalat ng virus kapag nasa loob na. Ang pagsu­suot ng face mask ay kru­syal sa nasabing protocol.

Nang pumasok ang anonymous tip line ng liga, ang isa ay para kay Lakers center Dwight Howard, dahil sa hindi pagsusuot ng mask sa paligid ng campus, bagay na inamin naman niya sa Instagram Live chat.

Ang violation ay iniulat sa NBA Campus Hotline, na itinakda para maprotek­siyonan ang mga manlalaro at staff na lalahok sa restart ng liga sa Orlando, Florida.

Agad nakatanggap ng warning si Howard sa ‘di niya pagsusuot ng mask.

“Somebody told on me,” pahayag ni Howard noong Miyerkoles sa Instagram Live post, broadcast sa kanyang  2.7 million followers.

Ang ipinamahaging 113-page restart handbook ay hindi nakasaad kung ano ang ipapataw na parusa sa naging violation ni Howard.

Tapik sa balikat ang puwedeng paalala sa kanya at tuloy na ang buhay sa loob ng campus.

Pero kung magpapa­tuloy ang violation ni Howard, irerekonsidera na ng NBA ang option.

Si Howard ay isa sa key players ng Lakers. May average na 7.5 puntos at 7.4 rebounds sa 19 minutong paglalaro off the bench.

Kailangan siya ng Los Angeles sa playoff, at kung magpapatuloy ang maganda niyang laro at ni JaVale McGee para sa Lakers sa center position, makaga­galaw nang maayos sa four si Anthony Davis.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

GAP Cynthia Carrion

Makabuluhang mga medalya para sa mga magkakampeon sa World Junior Gymfest – Carrion

ANG mga medalya na iginagawad sa mga nagwawagi sa mga pandaigdigang paligsahan sa palakasan ay …

PSC BSC MSU

Marawi, Umuusbong Bilang Lupain ng Pangako para sa mga Talento sa Palakasan

LUNGSOD NG MARAWI — Sa pakikipagtulungan ng Philippine Sports Commission (PSC), Bangsamoro Sports Commission (BSC), …

DSAS

DSAS balik sa Megatrade Hall ng SM Megamall

DAMHIN ang pangunahing palabas ng mga baril, kaligtasan, at responsableng pagmamay-ari sa bansa sa Nobyembre …

bagyo

Live shows, basketball games, out of town kanselado kahapon 

I-FLEXni Jun Nardo KANSELADO ang ilang live shows at out of town appearances ng ilang …

Carlos Yulo GAP Gymnastics

World Junior Meet malaking ambag sa pagpapaunlad ng Gymnastics sa Pilipinas

ANG pagsasagawa ng ika-3 FIG Artistic Gymnastics Junior World Championships sa bansa ay inaasahang magdudulot …