Friday , March 29 2024

Pagbubukas ng klase, ipagpaliban — Sen. Pacquiao

IGINIIT ni Senador Manny Pacquiao na dapat kasama ang distant learning program ng Department of Education (DepEd) sa pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan.

Ani Pacman, ”kailangan ay walang naiiwan sa DepEd learning program. Lahat ng estudyante ay dapat mayroong access sa mga aralin. Kaya gusto ko rin pong malaman kung paano ang sistema ng DepEd sa pagpapatupad ng blended learning na plano nila.”

Sinabing laptop, tablet, TV, at transistor radio ang gagamiting medium ng DepEd para sa pagtuturo ng mga lesson sa may 22 milyong estudyante. Kamakailan, nagpalabas na ng minimum specifications ang DepEd para mga laptop at tablet na dapat bilhin ng mga estudyante.

Pangamba lamang ni Pacquiao, paano na ‘yung mga walang kakayahang bumili ng laptop o tablet lalo na ngayon na maraming nawalan ng trabaho? Paano ang kanilang pambayad  ng internet connection?

Sinabi pa ng senador na, ”kawawa naman ‘yung mga estudyante na sa transistor radio lang makikinig ng mga aralin. Magkakaroon ng imbalance at discrimination. Agrabyado ang mga mahihirap at nasa malalayong lugar.

“Alam ko po ang nararamdaman ng mga maraming mahihirap na pamilya na may anak na nag-aaral. Naranasan ko po ‘yan kasi riyan din po ako nanggaling.”

Kaya naman suhestiyon ng senador, gawing isa sa mga medium sa pagtuturo ang paggamit ng telebisyon.

“Ang telebisyon ang naiisip kong pinaka-akma sa panahong ito dahil halos 90% ng mga tahanan ay mayroong telebisyon. Ang gusto ko sanang malaman ay kung ano po ang nilalaman o content ng ipalalabas ng DepEd sa TV at radio sa kanilang plano.

“Gusto ko rin pong malaman kung mayroon na po bang dedicated na 13 TV at 13 radio stations para matugunan ang pangangailangan ng mga estudyante mula kinder hanggang grade 12?”

Pahayag pa ng senador, kung hindi pa handa at nakasisiguro ang DepEd sa kanilang learning program, mabuting ipagpaliban muna ang pagbubukas ng klase hanggang maging tiyak ang solusyon ng DepEd.

Anito, hindi dapat gawing eksperimento ang mga estudyante dahil kapag hindi naging epektibo ang mga gagawing pamamaraan, lahat ng pagkakamali na mararanasan ay maaaring dalhin ng mga estudyante hanggang sa kanilang pagtanda.

MA at PA
ni Rommel Placente

About Rommel Placente

Check Also

Marissa Delgado Marian Rivera

 Marissa Delgado tagahanga ni Marian, gandang-ganda sa aktres

RATED Rni Rommel Gonzales SI Marissa Delgado, na gumaganap na si Nova, ang masungit na biyenan ni Marian …

Xian Lim

Xian sa love: painful and a magical feeling

MA at PAni Rommel Placente NOONG nakaraang Biyernes, March 22, si Xian Lim ang naging guest sa Fast …

Cristy Fermin Baron Geisler

Cristy Fermin napatunayan anak ni Baron sa isang aktres

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TILA naging vindication naman para sa ating kaibigan at nanay-nanayang Cristy Fermin ang …

Baron Geisler Cristine Reyes Dearly Beloved

Baron binago estilo sa acting, Cristine magaling pa rin

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NANIBAGO kami sa ipinakitang acting ni Baron Geisler sa Dearly Beloved, ang latest movie …

Marianne Beatriz Bermundo Khristine Kate Almendras Ornopia Aspire Magazine Ayen Cas

Aspire Magazine tuloy na pag-arangkada; 2 beauty queen inihataw ang galing

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKABIBILIB ang publisher ng Aspire Magazine na si Ayen Cas dahil sa bawat issue …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *