Saturday , August 8 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Jon Lucas, ‘di confident sa ginagawang pag-arte
Jon Lucas, ‘di confident sa ginagawang pag-arte

Jon Lucas, ‘di confident sa ginagawang pag-arte

ISANG taon na ang nakalilipas simula nang maging ganap na Kapuso si Jon Lucas kaya naman nagpapasalamat siya sa GMA Network dahil maraming ibinigay na oportunidad ang estasyon sa kanya. Isa na rito ang pagiging parte ng all-star cast ng Descendants of the Sun PH, na nakatrabaho niya sina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado.

 

“Siyempre, sa buhay na ito, ang inspirasyon ko po talaga ay ang mga mahal ko sa buhay, ang aking pamilya na mula noon hanggang ngayon. Sinusuportahan tayo kung ano man ang gusto nating gawin, ano man ang pangarap natin, talagang nand’yan lang sila palagi para i-push tayo na gawin ‘yon,” kuwento ni Jon isang Facebook livestream ng DOTS Ph.

 

Patuloy rin ang kagustuhan ni Jon na lalo pang mahasa ang kanyang acting skills. Pag-amin niya, “Hindi po ako confident sa ginagawa kong pag-arte kasi may mga pagkakataon na alam ko sa sarili ko na tensyonado ako. Alam ko na kinakabahan ako, lalo na kapag nakaharap ko ‘yung mga batikang artista na.”

Sa mga nakaka-miss sa Descendants of the Sun PH, maaaring mapanood ang replay ng full episodes nito sa website ng GMA Network at bisitahin ang official Facebook page ng programa para sa iba’t ibang updates at activities ng cast.

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

About Joe Barrameda

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top