Saturday , August 8 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Camille at Iya, may bagong handog sa Mars Pa More!
Camille at Iya, may bagong handog sa Mars Pa More!

Camille at Iya, may bagong handog sa Mars Pa More!

TIYAK na matutuwa ang mommies sa magandang balitang hatid ng Mars Pa More! hosts na sina Camille Prats at Iya Villania sa kanilang avid viewers.

 

Sa July 27 ay may fresh at special episodes ang morning talk show para sa pagdiriwang ng kanilang 1st anniversary.

 

Sa Instagram story ni Iya ay ipinasilip niya ang kanyang work from home set-up na makikita ang cute na anak niyang si Leon na naglalaro sa likod. Nag-post din ang bagong Kapuso mommy na si Solenn Heussaff sa kanyang Instagram story ng naging Zoom meeting niya kasama sina Iya at Camille.

 

Abangan ang masayang chikahan at kumustahan ng Kapuso moms na sina Iya, Camille, at Solenn sa special episodes ng Mars Pa More para sa kanilang anniversary week simula July 27, 8:50 a.m., sa GMA Network.

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top