Friday , August 14 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Rocco, pinuri ng mga taga-Talim Island
Rocco, pinuri ng mga taga-Talim Island

Rocco, pinuri ng mga taga-Talim Island

SA tulong ng Philippine Navy, personal na nagpaabot ng kanyang tulong  si Rocco Nacino, kasama ang kasintahang si Melissa Gohing, sa mahigit 200 na senior citizens sa Talim Island, Rizal. Napuno ng tuwa ang mga residente sa pagbisita ng Descendants of the Sun PH actor sa kanilang lugar. Sila ang mga unang benepisyaryo ng Help From The Heart fundraiser na sinimulan nina Rocco at Melissa.

 

Kuwento ni Rocco, hindi naging madali ang pagbiyahe nila papunta roon. “Kailangan mong ibyahe by boat so, pumunta kami sa isang port. Sasakay ka ng bangka, tapos sasakay ulit pagdating doon hanggang makarating sa barangay. Ganoon siya kalayo. So these are the people we wanna help that’s why we are really happy na tinutulungan kami ng Philippine Navy. ‘Di namin to mapu-pull off ‘pag wala sila.”

 

Matapos ang naganap na relief operation, nag-ikot din ang grupo ni Rocco sa lugar para magbigay ng tulong sa mga frontliner na assigned sa mga checkpoint.

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

About Joe Barrameda

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top