Friday , August 14 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Relasyon ng sexy star/youtuber sa politiko, ibinida sa Usapang Showbiz ng Win Radio!
Relasyon ng sexy star/youtuber sa politiko, ibinida sa Usapang Showbiz ng Win Radio!

Relasyon ng sexy star/youtuber sa politiko, ibinida sa Usapang Showbiz ng Win Radio!

NGAYON pa lang ay gumagawa na nang malakas na ingay ang Usapang Showbiz nina Kuya Jay Machete at DJ Lara Morena sa 91.5 Win Radio, na napapakinggan tuwing 4Pm hanggang 4:30PM.

Usap-usapan kasi ngayon ng mga netizen ang pasabog ni Kuya Jay sa kanyang blind item tungkol sa isang sikat at seksing Youtuber na nakita raw sa Tagaytay, kasama ang matagal nang nali-link sa kanyang politician.

Oo nga naman, kahit na idine-deny ng dalawa na mayroon silang ugnayan ay hindi pa rin talaga namamatay ang isyu sa kanila. At lalo pa itong umingay nang binanggit ni Kuya Jay sa kanyang blind item na nakita ang dalawa sa Tagaytay.

Ano kaya ang ginagawa ni seksing Youtuber at ni politician sa Tagaytay sa panahon ng quarantine? Hindi naman siguro maglalaba lang si seksing Youtuber gaya ng lagi niyang ginagawa sa kanyang vlog?

Para sa iba pang mainit na usapang showbiz, abangan at tutukan lagi sina Kuya Jay Machete at DJ Lara Morena mula Monday hanggang Friday, 4PM-4:30PM sa 91.5 Win Radio.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top