Monday , November 17 2025
Philippine Ports Authority PPA

PPA sa LSIs: Huwag dumagsa sa Pier

NANAWAGAN ang Philippine Ports Authority (PPA) sa publiko na huwag dumagsa sa mga pier, gaya sa Manila North Port Passenger Terminal.

 

Ang panawagan ng PPA ay kaugnay ng umiiral na moratorium sa repatriation o pagpapauwi ng mga locally stranded individuals (LSIs) na aprobado ng Inter-Agency Task Force (IATF).

 

Sa ngayon, pansamantalang suspendido ang biyahe ng mga pampasaherong sasakyang pandagat patungo sa mga lugar na tinukoy ng pamahalaan.

 

Kabilang dito ang Region 6, mula 28 Hunyo – 12 Hunyo 2020; Cebu at Mactan Islands, mula 21 Hunyo hanggang muling mag-abiso; Region 8, mula 25 Hunyo hanggang 9 Hulyo;  Camiguin Province, mula 1 Hulyo hanggang 16 Hulyo; Basilan, mula 1 Hulyo hanggang 16 Hulyo.

 

Pinayohan ng PPA ang publiko lalo ang LSIs na ipagpaliban muna ang pagpunta sa mga pier upang hindi sila ma-stranded  at lalong mahirapan.

 

Ayon sa PPA, halos 300 LSIs ang dumagsa nitong Martes sa North Harbor at naghihintay na makabiyahe.

Samantala, tuloy-tuloy ang biyahe ng mga barko at mga LSI sa mga lugar na hindi kabilang sa listahan. (VV)

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST 3 BulSu Bulacan

DOST Launches Regional STI Fair: Showcases Innovations with Tangible Community Impact

Empowering communities through science and innovation, the Department of Science and Technology (DOST) launched the …

DOST 3 iHUB SARAI CeNTRo AMCen

Central Luzon Enters New Phase of Innovation with Launch of DOST Hubs

The Department of Science and Technology (DOST) formally launched three major facilities that are expected …

DOST bauertek

BauerTek: Central Luzon’s Innovation Champion Heads to Nationals!

MALOLOS CITY, BULACAN – BauerTek Farmaceutical Technologies has clinched the Regional Winner title for Central …

Nartatez PNPA

Sa Gabay ni Chief Nartatez PNPA Iniaangat ang Paghubog ng Bagong Pulis

Umaga ng November 13, 2025, muling pinagtibay ni Acting Chief of the Philippine National Police, …

FPJ Panday Bayanihan Party-list nagkaloob ng Doxycycline sa Dagupan City LGU

FPJ Panday Bayanihan Party-list nagkaloob ng Doxycycline sa Dagupan City LGU

Dagupan City — Personal na isinagawa ng FPJ Panday Bayanihan Party-list ang turnover ng 25 …