Thursday , August 13 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / John Manalo, na-hold-up sa manukan
John Manalo, na-hold-up sa manukan

John Manalo, na-hold-up sa manukan

IYONG dating child star, na artista na rin naman talaga ngayon na si John Manalo, bumili lang daw ng lechon manok malapit sa kanila, na-hold-up pa. Ang hinold-up talaga ay iyong binibilhan niya ng lechon manok, pero dahil nandoon siya, pati siya natutukan. Mabuti na lang may mga nagdaang pulis at natiklo rin ang mga hold-upper at wala namang nasaktan sa kanila.

 

Ang nakatawag sa aming pansin, tindahan lang ng lechon manok ang hinold-up. Magkano lang ang kinikita ng nagtitinda ng lechon manok? Malaki ba ang makukuha kung na-hold-up man nila iyong nagtitinda? Pero sa mga susunod na araw, asahan na natin ang mga ganyang klase ng krimen. Marami kasi ang walang trabaho, at nakakaisip ng hindi magandang solusyon sa kanilang problema.

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top