Friday , August 14 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Janella, idinemanda ng dating kasambahay dahil sa halagang P3,600
Janella, idinemanda ng dating kasambahay dahil sa halagang P3,600

Janella, idinemanda ng dating kasambahay dahil sa halagang P3,600

GANOON din naman ang kaso ni Janella Salvador. Inireklamo siya sa radyo ng isa niyang alalay at sinabing hindi niya binayaran ang 12 araw na serbisyo niyon bilang “production assistant.” Ang halaga ay P3,600  lang naman. Umaangal na rin siya sa suweldo niyang P8,000 kada buwan.

 

Aminado ang nagreklamo na siya ay unang pumasok kay Janella bilang isang kasambahay. Bagama’t nabago ang trabaho niya, at isinasama na siya sa taping para mag-asikaso kay Janella, hindi nangangahulugan iyon na nabago na ang kanyang status. Kasambahay pa rin siya. Iba iyong “production assistant.” Ang sinasabi ni Janella, bakit hindi siya kinausap, at ang alam niya wala siyang utang sa rati niyang kasambahay. Ngayon ang sinasabi ni Janella, kung may atraso siya, eh ‘di idemanda na lang siya at sa korte na sila mag-usap. Isipin mo, P3,600, magdedemanda ka pa? Istorbo lang iyan.

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top