Friday , August 14 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kuya Dick, mag-a-ala Sharon sa Mudrasta
Kuya Dick, mag-a-ala Sharon sa Mudrasta

Kuya Dick, mag-a-ala Sharon sa Mudrasta

STAY at home lang ang aming si Kuya Dick (Roderick Paulate) in the time of Covid-19.

 

There are times na dumadalaw his siblings at mga pamangkin, lalo na kung may mahalagang okasyon.

 

“Alam mo naman Larpi, kung gaano ka-close ang family. Lalo na ako sa mga pamangkin ko. Pero sabi nga, iba na ang takbo ng mga buhay natin ngayon. We need to be extra cautious lalao na sa health and safety.”

 

Bago ang pandemyang ito, naghahanda na sana si Kuya Dick sa offer sa kanya ng T-Rex Ventures ni Rex Tiri para sa isang hindi niya matanggihang proyekto na involve si Direk Armand Reyes.

 

“Kaya lahat ng mga meeting, natuloy naman.’Yun nga lang, tele-conferencing na, sa Zoom. Or kung may kailangan, sa e-mail na ipinadadala for follow-ups. So, kumbaga, nire-ready lang. But with what’s happening na there’s so much uncertainty pa, hanggang meetings na lang muna. Para rin siguro, kapag may go signal na at preparadong-preparado na lahat, sasalang na lang our characters sa shoot.”

 

Hindi pa maidetalye ni Kuya Dick ang katauhan ni Mudrasta. Yes, spoof siya ng Madrasta ni Sharon Cuneta.

 

Rito ba namutawi sa labi niya ang mga katagang, “I am just your wife…”  Drama ‘yun!

 

Pero si Mudrasta, mukhang more than the drama eh, pagkiliti sa mga manonood nito ang ihahatid. Just thinking about it. Iba na ang ngiti ni Kuya Dick kapag kinukulit namin siya na magkuwento kahit kapirot.

 

“Gusto ko kasi klaro na ‘pag nagkuwento ako..May revisions pa kasi nga sa nangyayayri ngayon…Basta! Ibang klase ito.

 

“Chat kami..tapos naki-zoom ako sa niece ko kasi ‘di ako marunong at wala ako Zoom. Ayan medyo natuto na. Rami protocols and permits… pero nagme-meeting na para lang updated ang staff. Matatagalan pa siguro. Baka September na if ever. Unless, may changes na maganap.”

 

Tinawanan na lang namin ni Kuya Dick ang mga pa-memes na ginawa noon na itinabi ang picture niya kay Secretary Harry Roque.

 

Napanood namin uli sa TV ang Madrasta. In-imagine na namin na si Kuya Dick si Shawie. Naka-babae character ba siya. O lalaking Madrasta.

 

Basta! Sigurado kaming masaya nga ito!

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

About Pilar Mateo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top