Friday , August 14 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kim Rodriguez, may ibang diskarte para kumita 
Kim Rodriguez, may ibang diskarte para kumita 

Kim Rodriguez, may ibang diskarte para kumita 

HABANG naghihintay na mag-resume ang proyektong ginagawa sa Kapuso Network, busy si Kim Rodriguez sa paggawa ng mga bagong video para sa kanyang Youtube channel.

Aminado si Kim na malaki ang epekto ng Covid-19 sa kanyang mga itinayong mga negosyo katulad ng milk tea at clothing line na ilang buwan din nagsara.

Ngayon ay bukas na muli ang kanyang mga negosyo pero medyo matumal pa ang kita dahil marami pa ring mga Pinoy ang takot lumabas ng bahay dahil na rin siguro sa pagtaas ng bilang ng mga Filipino na may Covid-19.

Bukod nga sa paggawa ng new videos sa kanyang Youtube channel, nagla-live rin siya sa Bigo Live para kahit pano ay magkaroon ng income lalo na’t matagal-tagal na rin itong tengga dahil nahinto ang tapings, shooting ng pelikula, at mga out of town show.

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top