Friday , August 14 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Faye Tangonan, nanalong muli ng Best Supporting Actress sa 2 international filmfests
Faye Tangonan, nanalong muli ng Best Supporting Actress sa 2 international filmfests

Faye Tangonan, nanalong muli ng Best Supporting Actress sa 2 international filmfests

MULING nanalo ng Best Supporting Actress award ang beauty queen turned-actress na si Faye Tangonan. But this time, hindi lang isa, kundi dalawang magkasunod na tropeo ang sinungkit niya sa dalawang international filmfests.

Ang pagkilala ay mula sa Tagore International Film Festival, India at sa Festigious International Film Festival, Los Angeles, California para sa pelikulang Covered Candor (Tutop).

Ano ang reaksiyon niya rito?

Bulalas ni Ms. Faye, “I’m stoked! I couldn’t believe it! God is indeed great! I feel like my first international winning at Oniros Film Festival in Italy is not a fluke ‘coz I’ve got another award… It’s God’s favor indeed!”

Nauna rito, itinanghal si Ms. Faye as Best Supporting Actress sa Oniros Film Awards sa Italy para sa parehong pelikula, kaya nakaka-tatlong Best Supporting Actress na siya.

Ang Covered Candor ay tinatampukan ng actor/director/producer na si Romm Burlat. Kasama rin sa pelikula ang Bidaman finalist na si Ron Macapagal. Ang director nito ay si Marvin Gabas at ito ay produced ng ROMMantic Entertainment Productions.

Ayon pa kay Ms. Faye, mas magiging inspired siya sa muling pagharap sa camera dahil sa awards na ito. “Definitely, yes. The fact that I’m still new in the field of entertainment industry and I’ve been blessed with two international awards already is a big accomplishments for me!”

Sa ngayon ay nakatakda nilang tapusin ang bagong movie with Direk Romm Burlat titled And I Loved Her. Co-star dito ni Ms. Faye sina Richard Quan, Teresa Loyzaga, Ron Macapagal, Keanna Reeves, Rez Cortez, at iba pa. Introducing sa pelikula ang talented na batang si Zairah Madrid na nakabase sa Canada.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top