Friday , August 14 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ara Mina, suportado ang ABS-CBN
Ara Mina, suportado ang ABS-CBN

Ara Mina, suportado ang ABS-CBN

SA pamamagitan ng kanyang Instagram account ay nag-post si Ara Mina ng mensahe ng pagsuporta sa ABS CBN 2. Mahal ni Ara ang nasabing estasyon kahit hindi siya contract star nito. Marami na rin kasi siyang serye na nagawa rito.

 

Narito angIG post ni Ara, published as is, “Sa mahabang panahon nakapagbigay ang ABS-CBN ng mahahalagang balita at saya sa milyon-milyong Pilipino mapa radyo man o television. Ito ay naging tahanan hindi lang ng mga artista kundi naging bahagi at parte ng pamilyang Pilipino. 

 

“Sa nangyayaring pandinig sa pag apruba ng prankisa ng ABS-CBN, akin pong ginagalang ang demokrasya at legal na proseso na ginagawa ng kongreso. Sana po makita at ma-appreciate ng mga mambabatas ang nagawang kontribusyon at magagawang kontribusyon ng ABS-CBN sa sambayanang Pilipino. Ang pag dinig na ito na ginagawa ngayon ay hindi lang para sa ABS-CBN pero para sa ikabubuti ng lahat ng Pilipino na nasa loob at labas ng bansa.

 

“Pinagdadasal ko na maging maayos na ang lahat.

 

“Naniniwala ako na lahat ng pagkakamali naitatama, lahat ng lungkot may kapalit na saya, mga pagsubok nakakayanan at makakabangon muli. At ngayong humaharap tayo sa pandemya at mga mahirap na sitwasyon tanging panalangin, pang-unawa at pagmamahal sa kapwa ang kailangan para sa ikabubuti ng lahat.🏻🏻🏻️.”

MA at PA
ni Rommel Placente

About Rommel Placente

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top