Thursday , August 13 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ang Probinsyano, Soldier’s Heart, at Love Thy Woman, ‘di totoong pinahinto ang taping
Ang Probinsyano, Soldier’s Heart, at Love Thy Woman, ‘di totoong pinahinto ang taping

Ang Probinsyano, Soldier’s Heart, at Love Thy Woman, ‘di totoong pinahinto ang taping

MAY mga pinakakalat na balitang pinahinto na ng ABS-CBN ang tapings ng mga teleserye nila dahil nga limitado na ang pagpapalabas nito dahil sa problema sa prangkisa. Sa madaling salita ay hindi na ito tatapusin.

Tulad ng Soldier’s Heart ni Gerald Anderson kasama sina Carlo Aquino, Jerome Ponce, Vin Abrenica, Yves Flores, Elmo Magalona, Nash Aguas, at Sue Ramirez.

Ang alam namin ay three weeks’ lock-in ang lahat ng artista kasama ang staff and crew sa Tanay, Rizal at base sa bilang namin ay wala pang tatlong linggo kaya nagtanong kami sa may kinalaman sa seryeng Soldier’s Heart kung pinahinto nga.

“On going po sila,” sambit sa amin.

Maging ang FPJ’s Ang Probinsyano ay dire-diretso rin ang tapings sa may Antipolo na naka-lock in din ang lahat at bawal silang tumanggap ng bisita.

Gayundin ang Love Thy Woman na rito naman sa isang hotel sa Quezon City ang nagsilbing tahanan ng mga artista at production staff dahil sa ABS-CBN building ang tapings.

Sa tanong namin kung totoong kinaltasan ang talent fees ng mga artista, “yes 20% and okay lang, as long as may work pa kompara sa totally wala.”

Klaro na, walang seryeng pinahinto ang tapings.

By the way, nakita rin naming tuloy din ang tapings ng The Voice Teens base sa lumabas na off-cam video na kinukunan si Lea Salonga habang papasok sa studio.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top