Tuesday , September 23 2025
BARMM
BARMM Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao

Kinatawan sa BARMM iginiit ni Alonto

NANAWAGAN si Bangsamoro Auto­nomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) parliament member Zia Alonto Adiong kay Pangulong Rodrigo Duterte na magtalaga ng kina­tawan ng Bangsamoro sa bubuuing Anti-Terrorism Council (ATC) na magpapa­tupad ng Anti-Terrorism Act (ATA).

Dapat aniya ay may kinatawan ang BARMM sa ATC para maipa­liwanag ang konteksto ng terrorism on the ground.

Sabi ni Adiong, hindi kinonsulta ang BARMM nang binaba­langkas pa lamang ang Anti-Terror Bill.

Naniniwala si Adiong na ang mga pamantayan kontra-terorismo sa Filipinas ay dapat hindi lamang tungkol sa pagpapalakas ng law enforcement kundi maka­kuha rin ng suporta ng pamayanan sa pamama­gitan ng proseso ng “social healing.”

“Ultimately, when you talk about Anti-Terrorism measures in the Philippine setting it should not only be about strengthening law enforcement but to gain community support through the process of social healing, “ani Adiong sa kanyang Twitter.

Isang araw bago nilagdaan ni Pangulong Duterte ang ATA noong Biyernes ay inaprobahan ng  Bangsamoro Transition Authority (BTA) ang BTA Resolution No. 77,  na umapela kay Pangulong Duterte na i-veto ang Anti-Terrorism Bill upang marepaso ng Kongreso at tugunan ang ilang kontrobersiyal na probi­syon sa panukalang batas.

Ngunit nang lagdaan ni Pangulong Duterte bilang batas ay inihayag ni Bangsamoro Chief Minister Ahod “Al Haj Murad” Ebrahim na iginagalng ng BARMM ang naging hakbang ng Punong Ehekutibo pero mas mainam kung mag­kakaroon ng kinatawan ang Bangsamoro sa ATC.

“The BARMM is open to engage the National Government on preparedness against this vicious phenomenon, as we collectively explore new potential approaches to holistically protect our people from the menace of terrorism. This engagement can start with the Bangsamoro having representation in the Anti-Terrorism Council,” aniya sa isang kalatas.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Goitia PBBM Protest Rally

Para kay Goitia
Kaguluhan bigo, diwa ng Pinoy nagtagumpay

ANG kaguluhan na sumiklab sa Mendiola noong Setyembre 21 ay malinaw na nagpapakita, ayon kay …

Sec Solidum sees thriving food innovation and salt industry in Northern Mindanao

Sec Solidum sees thriving food innovation and salt industry in Northern Mindanao

DOST Secretary Renato U. Solidum, Jr. witnessed it firsthand during his visit to Northern Mindanao, …

DOST Region 2 Strengthens Technology Transfer Through Fairness Opinion

DOST Region 2 Strengthens Technology Transfer Through Fairness Opinion

TO ensure that innovative technologies from local research institutions find their way to industry partners, …

One Verse SB19

SB 19 idolo ng One Verse

PROMISING ang baguhang PPop boy group na  One Verse na nasa pangangalaga nina Jhay  Layson, Direk Jaysar Lorayna, Direk …

Bulacan

Sa Bulacan
DAAN-DAAN NAGPROTESTA VS KORUPSIYON

“BAHAIN ng galit ang mga buwayang kurakot!” Sigaw ng hindi bababa sa 500 kataong nagmartsa …