Sunday , August 9 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Endorsers ng Afficionado, sisibakin na?
Endorsers ng Afficionado, sisibakin na?

Endorsers ng Afficionado, sisibakin na?

APEKTADO rin ang negosyo ni Joel Cruz, ang Afficionado Perfume dahil sa pandemic. Hindi naman nawawalan ng pag-asa si Cruz bagkus tumutulong pa sa mga frontliner at nangangailangan lalo na sa barangay na kinatitirikan ng kanyang negosyo, ang Sampaloc.

Hindi rin niya pinababayaan ang kanyang mga empleado. At para hindi matigil ang kanilang produksiyon, nag-produce sila ng alcohol na very much in demand sa kasalukuyang nararanasan natin ngayon.

At dahil sa hirap ngayon, natutuhan nila ang magtipid na itinuro niya sa mga anak niya lalo na ang mga nag-birthday na dati-rati ay marangya ang celebration. Pero ngayon, isang simpleng handaan na lamang ang ginagawa nila. Tutal bawal din naman ang malalaking pagtitipon kaya okay din naman ang ginawa niya.

At dahil kailangan ng pagtitipid, naitanong kay Joel kung paano na ang mga endorser niya na ang lalaki ng TF.

Anito, nariyan pa naman ang mga endorser niya pero sa pinag-aaralan nila kung kailangan pa ba sila.

Nabanggit din ni Joel na malakas ang produkto ni Erich Gonzales at mabango  talaga iyon.

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

 

About Joe Barrameda

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top