Sunday , August 9 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Derrick Monasterio, may bagong ‘baby girl’
Derrick Monasterio, may bagong ‘baby girl’

Derrick Monasterio, may bagong ‘baby girl’

TOTOO nga ang balitang may bagong “baby girl” si Derrick Monasterio. Ito ay walang iba kundi ang four-month-old niyang pet na isang Labrador. Dahil tuloy ang fitness routine ni Derrick kahit pa naka-quarantine, kasa-kasama ng aktor ang alaga sa kanyang pag-eehersisyo.

“She’s a four-month old Labrador. Malaki na siya noong na-meet ko so ‘di niya ‘ko kilala noong una. Tumatakbo rin siya, like nakakasabay siya sa pace ko. Fifteen minutes ako nagjo-jogging, 15 mins din siya tumatakbo,” kuwento niya.

Habang hindi pa nagbabalik-taping, may negosyong pinagkakaabalahan ngayon si Derrick. Ito ang home service haircut business katuwang ang mga kaibigan niya, ang QUARANCLEANPH.

“May time na super haba ng hair ko and then my friend invited his barber sa house nila to cut his hair. Tapos ininterbyu niya ‘yung barber na parang, ‘Musta ka Kuya?,’ ganyan. ‘Boss, wala kaming work. Nagsara na ‘yung [shop] namin.’ Naawa kami. Me and my friend decided na umpisahan namin para matulungan namin si Kuya,” ani Derrick.

 

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top