Tuesday , September 23 2025
dead gun

1 patay, 9 arestado sa search warrant

TODAS ang isang hinihinalang drug suspect matapos makipagbarilan sa mga pulis na nagsilbi ng search warrant sa kanyang bahay habang arestado ang live-in partner nito at walong iba pa kabilang ang isang menor-de edad sa Valenzuela city, kahapon ng madaling araw.

Patay na nang idating sa Valenzuela City Emergency Hospital (VCEH) ang biktimang kinilalalang si Michael Franco, 48 anyos, residente sa J. Santiago St., Libo, Malanday, sanhi ng mga tama ng bala sa katawan habang ang live-in  partner na si Michelle Callo, 48 anyos, ay naaresto matapos ang shootout.

Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Fernando Ortega ang walo pang naaresto na sina Alfrancis Valencia, 19 anyos; Joselito Filo, 43; Josephine Lopez, 47; Louie Caillo, 23; Rainier Franco, 20; Myrna Barsaga, 46; Arlene Albay, 23; at ang 15-anyos na binatilyo na pawang naaktohang nag­sasagawa ng pot session sa loob ng bahay ng napaslang na suspek.

Ayon kay Col. Ortega, dakong 4:05 am nang isilbi ng pinagsamang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), Special Weapons and Tactics (SWAT) team at Police Community Precinct (PCP) 6, sa pangunguna ni Capt. Segundino Bulan, Jr., at Lt. Ronald Sanchez sa bahay ni Franco ang isang search warrant na inisyu ni Valenzuela Regional Trial Court (RTC) Judge Emma Matammu ng Branch 269.

Nang pumasok ang mga pulis sa gate ng bahay ng suspek ay sinalubong sila ng mga putok ng baril na tumama sa sementadong pader at washing machine kaya’t napilitang gumanti ng putok ang mga parak hanggang tamaan sa katawan si Franco.

Narekober ng pulisya sa nasawing suspek ang isang kalibere 38 revolver habang ang ilang plastic sachets na naglalaman ng 13 gramo ng shabu na tinatayang nasa P88,400.00 ang halaga at ilang drug paraphernalia ay nakom­piska sa mga naarestong suspek.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

bagyo

Super Typhoon Nando lalong lumakas; klase, pasok sa gobyerno suspendido

IDINEKLARA ng Malacañang ang suspensiyon ng mga klase at pasok sa mga tanggapan ng pamahalaan …

Karahasan sa mga kilos protesta 72 arestado sa Maynila

Karahasan sa mga kilos protesta 72 arestado sa Maynila

DINAKIP ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang hindi bababa sa 72 indibiduwal …

Celebrites Rally Protest

Entertainment sector lumahok sa protesta vs multi-trilyong korupsiyon

BUKOD sa sektor ng mga relihiyoso, lumahok sa panawagan ng publiko na labanan ang malawakang …

Protest Rally

Sa P3-trilyong anomalya sa flood control projects
MALAWAKANG PROTESTA ‘BUMAHA’ SA BUONG BANSA

LIBO-LIBONG indibiduwal ang nagtipon-tipon sa EDSA People Power Monument nitong Linggo, 21 Setyembre, bilang protesta …

Bulacan Police PNP

3 MWP tiklo sa Bulacan

ARESTADO ang tatlong indibidwal pawang may pinaghahanap ng batas at may kinakaharap na mga kasong …