Friday , August 14 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sing Out by the South nina Chad at Joey, nasa ikalawang linggo na
Sing Out by the South nina Chad at Joey, nasa ikalawang linggo na

Sing Out by the South nina Chad at Joey, nasa ikalawang linggo na

NASA ikalawang Linggo na ang sinimulang proyekto nina Chad Borja at Joey Albert na Sing Out by the South (Feed the Music), na proyekto ng Musicians for Musicians.

 

Sa pamamagitan ng State of Mind Productions nina Chad at maybahay na si Emy, isinagawa ang gabi-gabing show sa Facebook tuwing 8:00 p.m. para makalikom ng pondo na itutulong sa mga musikerong napilayan sa sitwasyon ngayon na nawalan sila ng mga gig o show pati na concerts. Na karaniwan, kumikita lang kapag may tugtugan-gaya ng pianista, drummer, gitarista at iba pang mga nasa banda na buma-backup sa main artists.

 

At sabi nga ni Chad, “Hindi naman sa kinaligtaan namin ang mga musikero sa Kamaynilaan kaya nag-comcentrate kami sa Visayas and Mindanao. Pero, talagang sila ‘yung walang-wala.”

 

Napakalaki ng pasasalamat nina Chad at ng kanyang team, pati na ng host na si Ahbet Padilla dahil sa pagsalang ng Concert King na si Martin Nivera at ng Asia’s Diva na si Dulce sa magkaibang gabi.

 

Sinuportahan pa si Martin ng kanyang Martians during his stint kaya naman marami ang nagpa-abot ng kanilang tulong sa proyekto.

 

Aniya, “Charity begins at home. We need to help our fellow musicians even in Cebu and Davao. Help us help them!”

 

At nabanggit din nga ni Martin sa interview sa kanya, na may dugong Bisaya rin siya dahil ang kanya palang mga Lolo at Lola ay tubong Cebu. Kaya ganoon na lang ang malasakit niya para rin sa mga nakilala na niyang musikero sa nasabing lalawigan.

 

Sulit na para bang nanood ka ng concert talaga. Ganoon din sa Asia’s Diva na tinatawag ko ring Diva of All Divas na si Dulce.

 

Napakarami rin ng sumuporta at nanood kay Dulce noong gabing featured siya. At agad-agad, nag-hatag ng donation nila ang mga humiling lang ng kanta sa kanya, gaya ng Maalaala Mo Kaya at iba pang hits niya na tinumbasan ng donasyon para sa mga musikero. Gaya ni Kevin Moreno na sa tuwa, P30K ang ipinadala.

 

At dahil natuwa rin si Dulce, kasama ang anak na si Jemimah na nagbigay din ng ilang awitin, nagkalkal ito sa kanyang closet at dalawang items ang nakuha.

 

“I am letting go of these items to support our musicians in Cebu and Davao, who lost their jobs due to this pandemic. Proceeds from this auction will go to “Sing Out by the South…Feed the Music” Fundraiser. Kindly give me your offer by commenting on the picture of the corresponding item. My pre-loved items will go to the highest bidder. 

 

“Please help me help them! 

 

“Details on how to donate are on the poster attached. 

 

“Thank you so much!  “

 

Ang isa ay ang minsan lang niyang nagamit na Valentino Rockstud Tote Bag. Ang balita namin, it’s worth P126K. And the startimg bid ay P40,000.

 

Ang isa pang Valentino item ay ang Rockstud Calfskin Leather Slide Sandal na Size 36 na dalawang bese lang niyang naisuot.  Ang starting bid naman ay P20,000.

 

Makikitang super ingat ni Mama Dulce sa kanyang mamahaling pre-loved items.

 

Giving hindi lang ng kanilang oras para sa mga kapwa musikero, kundi mga bagay na kinakayang pakawalan para sa kapakanan ng karamihan.

 

Tutok na gabi-gabi, 8:00 p.m. sa Facebook. Ilan din sa nagbigay ng kanilang suporta na artists ay sina Luke Mejares, Thor Dulay, Bernie Uy, Jo Awayan, ABY, Ad Lib, Next Stage, Cerise, Maan Chua, Thea, Eric Diao, Nonoy Zuñiga and the Ms. Pilita Corrales! Ilan pa sa aabangan ay sina Manilyn Reynes, Duncan Ramos, Jay Durias, Jun Polistico and more.

 

Sana, makapiling pa rin ang mas marami pang artists at mga taga-suporta para sa ating mga musikero.

 

Taos na pasasalamat ang ipinaaabot ni Chad at kanyang Team sa walang patid na pagtulong.

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

About Pilar Mateo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top